Ikinatuwa ng mga manggagawa ang pagiging batas ng Expanded Maternity Leave na nagtatakda ng 105 araw ng paid maternity leave benefits mula sa dating 60 o katumbas ng karagdagang 45 na araw.
“Pinaghirapan itong itulak ng kababaihan, lalo ng kababaihang manggagawa kaya’t nararapat lamang angkinin ng kababaihan, kasama ang mga champions nito sa Kongreso at Senado, ang tagumpay ng labang ito,” pahayag ni Judy Ann Miranda ng Partido Manggagawa partylist (PM) na kasapi ng koalisyong Workers4EML.
She added that "The lapse into law of the Expanded Maternity Leave is a hard-won victory for women workers. President Duterte could not muster the courage to sign it into law and it took fast and furious action from women workers and their champions in Congress to thwart the determined lobby of ECOP and the SSS for a veto. Now that the 105-day maternity leave benefit is a law, opportunists may want to claim it for themselves but it was the years-long advocacy and campaign of organized women and labor groups that gave birth to EML."
Naging batas ang nasabing panukala matapos hindi i-veto ng Pangulo at mag-lapse into law kagabi sa kabila ng malakas na lobby laban dito ng mga employer at mismong ng SSS.
“Kung hindi sa walang tigil na pagkilos, presyur at paglalamay ng kababaihang manggagawa at maralita sa pagtutulak ng batas na ito ay malamang nag-dalawang isip ang Palasyo na hayaang ito ay maging batas,” paliwanag pa ni Miranda.
Bagamat naging batas na ay sinabi pa rin ng PM na maari pa itong paunlarin ng husto sa mga susunod na yugto ng laban at nang makahabol pa sa mas mataas na standard ng maternity benefits na umiiral na sa maraming bansa. ###
Photos of vigil last night at https://www.facebook.com/judy.chanmiranda/posts/10219174819950136?__xts__[0]=68.ARBtPdHXRsBRlsLcpzDGU_MBrLZ8wt3_vheskV62BelCFXWafpvAD81OpSs9Crc08nUC8qG99Gr6Ji7nssj-6qXhTqkfxijSFfRQFiJc2eziNe3F6js0PhY9kOVpcqoBIjHEwcdPgsNoXDCpjdgCjWDzSl0gHBo_iDK9ABCRqeZbJ5vhkCcK54tJoOz4WjAQemscKyC4mqLxEpSBxUSM21yoi9QNoeXAY_lfdTabYWnmyxBFgZLN9iFolaopL5grQ6O6BZmW45oYJ2K31614eK9qO-PGKDj0iWcaWAHfaaP_YGoJ5YoJFQRLFsftaK1FLmXiot7WcIxA6puHTyWD&__tn__=C-R
and
Photos of Workers4EML action the other day at https://www.facebook.com/judy.chanmiranda/posts/10219162472841466?__xts__[0]=68.ARBXOd_Ezg_YUpZYLu7tWgpeRU2fuhPNAU8-OBAVI8iEEm8tY86kz4iyUJYj0WRi9v_mL0u_wBk6zf7cLuuXD_U33DLlDhd5pW8_MVLoz9EWIE5RBDjIDmRKHRnXGOfgva1FbWP1TpLt6M2vvobtbg5Bym0j6RCeUsF1ygtEqDK0utlqUDWEdP-GumAC_HfgVBYhat7a560zsbPU7SeoqqwEz7g9uh88pt2Ee3-SVoQQ7T8nRxMlrX8AseUtaeDbk9wzr_4wfBmgG3qivouPZkDp1Wep7ktfbwU-jZLKkdFE3M9M3fDhAchei3oti5x1dlZ2nDlyrUEradmUvXZl&__tn__=C-R
21 February 2019
Partido Manggagawa partylist
No comments:
Post a Comment