Showing posts with label Digong. Show all posts
Showing posts with label Digong. Show all posts

Friday, November 28, 2025

BALIK EDSA SA NOBYEMBRE 30! BAGUHIN ANG MALING SISTEMA!

 


BALIK EDSA SA NOBYEMBRE 30! BAGUHIN ANG MALING SISTEMA!

 

Hindi lang korapsyon ang dapat mawala kundi ang sistemang nagsilang nito - ang political dynasty at patronage politics.

 

Ang pagwaksi sa korapsyon at dinastiya ang tampok na isyu ng manggagawa sa martsa patungong People Power Monument sa Araw ni Gat Andres Bonifacio sa Nobyembre 30, kasabay ng mga kahilingan sa dagdag sweldo at pagtigil sa endo.

 

Kalahok din ang Partido Manggagawa sa marami pang magaganap na protesta sa iba't-ibang panig ng bansa sa pangunguna ng Trillion People March Movement.

 

Kung nagawa ng mga korap na pulitiko na magnakaw ng trilyones sa kabang bayan, ito ay dahil pakiramdam nila, sila ay hindi mababaling kapangyarihan para lokohin ang taumbayan at magkamal ng yaman mula sa mga proyekto ng pamahalaan. Ito ay dahil alam nila na sila-silang dynasty lamang ang naghahati sa kapangyarihang ito mula nasyunal hanggang lokal.

 

Kaya’t ang nangyari, korapsyon ang naging regular habang manggagawa ay kontraktwal. Wage hike ang kinontrol, habang korapsyon ay bumaha.

 

Dahil sa korapsyon, pampublikong serbisyo tulad ng Philhealth ang nabawasan. Dahil sa dinastiya, mga proyekto ay pinaghati-hatian ng magkakamag-anak at kaibigan, kasabwat ang sindikato sa buong pamahalaan.

 

Ang sistemang ito ay dapat repormahin! Manggagawa ang gawing regular, hindi ang korapsyon! Wage hike sa manggagawa, hindi unli kickback sa mga korap! Dinastiya ang dapat ma-endo, hindi ang manggagawa! Kalayaan at demokrasya, hindi forever na dinastiya!

 Partido Manggagawa

28 November 2025

 

Saturday, October 11, 2025

On ICC denial of Duterte’s interim release

 

The pre-trial chamber of the International Criminal Court (ICC) was correct in considering Duterte a “flight risk” in denying the former President his plea for interim release.

 

Duterte, even when relieved of his most powerful position in the Philippines, remains a symbol of fear and tyranny, while her daughter, VP Sara, extends this dynastic power into reality not only for being the second in command but also as the main protagonist of President Marcos.

 

Keeping Duterte at close watch by the ICC serves the country’s interest well. The next thing we should expect is for the ICC to proceed with the trial forthwith.