Showing posts with label liberalization. Show all posts
Showing posts with label liberalization. Show all posts

Friday, November 20, 2015

Message to the Solidarity of Labor Movement Against APEC (SLAM-APEC) 1996




Filemon "Ka Popoy" Lagman

1996


Bago pa ako dinukot ng militar noong Nobyembre 12, sinabi na sa akin na assignment ko na talakayin ang balangkas ng globalisasyon para sa ating Kumperensya.
Hindi ko naman agad naharap ang paghahanda sa dami ng trabaho. Bagamat may mga senyales na malapit nang mahibang, di ko rin inakala na tuluyang maghuhuramentado si Ramos at ako'y ipakukulong.
Kaya't humihingi ako ng paumanhin sa anumang kakulangan ng mensahe kong ito na minamadali kong tapusin. Dahil habang sinusulat ko ito dito sa Kampo Aguinaldo, medyo ako'y nanghihina na rin dahil sa 10 araw na hunger strike at ang laman ng aking katawan ay puros na lang usok ng sigarilyo.
Mga kasama, pwede nating pasukin ang paksa ng globalisasyon mula sa dalawang entrada. Una'y sa usapin ng "intensyon", at ikalawa, sa usapin ng "epekto".
Ang tinutukoy ko sa una ay sino ba ang may pakulo ng globalisasyon at ano ang kanilang totoong intensyon.
Gusto kong magsimulang tastasin ang globalisasyon mula sa entradang ito dahil ito ang natural na dapat nating pagsimulan, dito pinakamadaling mabistahan ang klase ng mundo na gustong gawin ng APEC. Kapag maliwanag sa atin kung kaninong kagagawan ito at ano ang totoong intensyon, sa minimum, ay dapat magduda na tayo.
Sinasabi kong "magduda" na tayo, pero hindi ibig sabihin ay lumundag na agad sa "kongklusyon". Mali rin naman na gumagawa tayo ng "kongklusyon" batay lamang sa mga intensyon, batay lamang sa mga pagdududa.
Kaya't kailangang pasukin natin ang usapin ng "epekto" at dito natin buuin ang matitibay na kongklusyon. Dito natin ibatay, mga kasama, ang pinakamatinding kondemnasyon at pinakamaliwanag na pagtatakwil sa balangkas, nilalaman at nilalayon ng APEC at globalisasyon.
GLOBALISASYON: PARA KANINO?
Magsimula tayo sa tanong na: Sino ba ang pasimuno ng APEC?
Sabi ng gubyerno, inisyatiba raw ito ng Australia, pero umandar nang husto nang i-host ni Clinton ang unang Leaders Summit ng APEC sa Seattle noong 1993 kung saan nabuo ang "vision" ng APEC na isang "Asia Pacific economic community".
Kapirasong pisngi lang ng katotohanan ang ipinasisilip ng ganitong sagot. At hanggang dito na lang ang paliwanag ng gubyerno, halatang-halata na mayroong mas malalim na katotohanang itinatago.
Mismo ang midya ay ayaw man lang kalkalin ang buong katotohanan kung sino talaga ang pasimuno ng APEC, sino talaga ang pwersang nagtutulak sa mga organisasyong gaya ng APEC.
Parang gustong palabasing basta dinapuan na lang at tinubuan ng puso ng mga lider ng mga bansang myembro ng APEC ng mga busilak na intensyon na mag-akbayan ang mga bansa sa diwa ng internasyunal na kooperasyon at pangkalahatang kagalingan ng mamamayan sa Asia-Pacific.
Mas interasado ang midya sa mabentang mga balita kaya't nahuhulog sila sa sensasyonalismo, at hindi kung ano ang mg isyu na dapat malaman ng tao. At simple rin ang paliwanag kung bakit sila ganito. Ang nagpapagalaw rin sa midya, sa ultimong pagsusuri, ay hindi ang interes ng serbisyong publiko kundi ng batas ng negosyo, ang batas ng kapitalismo, ang batas ng kompetisyon at komersyalismo.
Kaya't mga kasama, matuto tayong huwag basta magpapaniwala sa mga deklarasyon ng intensyon dahil ang daang papuntang impyerno ay hinahawan ng magagandang intensyon, at kung makakain lang ng langgam, nalaman na sana ang buong mundo dahil ito'y nababalot ng matatamis na salita na gumagago sa ating mga manggagawa.
Sa tanong na sino ang pasimuno ng APEC, sagutin natin ito batay sa maliwanag na layunin ng APEC. At ito'y walang iba kundi ang "globalisasyon".
Kaya't sa tanong na sino ang pasimuno ng APEC, ang mas eksaktong tanong ay sino ang pasimuno ng "globalisasyon" na siyang dahilan ng pag-iral at pagkakabuo ng APEC. At sa tanong na ito, ang sagot ay hindi si ______ ng Australia at ni hindi rin si Clinton ng Amerika.
Bago pa nabuo ang APEC, ay nagsisimula na ang globalisasyon, mayruon nang mga makapangyarihang mga pwersang nagtutulak ng mga patakaran ng liberalisasyon, deregulasyon at privatization. Sila ang tunay na pasimuno ng APEC. Sila ang may gawa ng vision, goals, adyenda at plans ng APEC. Sila ang tunay na may interes sa APEC.
Sino sila? Sila ay ang tinatawag na mga TNCs o transnational corporations sa buong daigdig na umaabot sa bilang na 40,000 at kumukontrol sa 2/3 ng pandaigdigang ekonomiya, ng pandaigdigang kalakalan at pamumuhunan.
Bago pa nabuo ang APEC, bukambibig na nila ang salitang "globalisasyon" dahil ipinatutupad na nila ito sa pandaigdigang saklaw. Kinakatawan ng "globalisasyong" ito ang bagong istratehiya ng TNCs -- ang internasyunalisasyon ng kanilang proseso ng produksyon na tumatawid sa hangganan ng mga bansa at tinatampukan ng contractualization ng iba't ibang bahagi ng kanilang produksyon na nakabudbod sa iba't ibang bansa.
Ang mismong ILO-Asia Pacific Regional Office ay nagsabing ang pang-ekonomyang globalisasyon ay pangunahing resulta ng bagong istratehiya ng mga TNCs at ang ubod ng globalisasyong ito ay ng istratehiyang ito ng mga TNCs. Ang ating tanong: Bakit hindi aminin ng gubyerno ang katotohanang ito, bakit itinatago ng gubyerno ang katotohanang ito?
Sa puntong ito'y mahalagang liwanagin. Ang "globalisasyong" ito, ang bagong istratehiyang ito ng mga TNCs ay hindi simpleng kathang-isip na nadiskubre ng pandaigdigang sistema ng kapitalismo, resulta ng kasalukuyang kalagayan at pag-unlad ng pandaigdigang sistemang ito.
Mahalagang idiin ang puntong ito para basagin ang parating paratang sa atin, na eto na naman tayo sa ating "conspiracy theory", na isa na namang simpleng "pakana ng imperyalismo" ang APEC laban sa buong mundo.
Minsan ay di rin masisisi ang mga nagbibintang ng ganito dahil totoo namang may isang grupo sa ating hanay na masahol pa sa isang "kulto" sa bundok ng Banahaw na ang tingin lagi sa mga pangyayari sa mundo ay isang "pakana" at walang nang ginawa kundi dasalin ang kanilang rosaryo ng mga islogan na pinaglumaan na ng panahon. At dahil nga isang "kulto", ang paniwala nila'y sila lang ang dalisay, sila lang ang laging tama, at ang iba'y peke at mali. Isa sa mga panatikong obispo ng kultong ito ay kababayan ko sa Albay na mukhang sa tagal sa kabundukan ay nahawa na sa kukute ng isang baboyramo sa kagubatan.
Pasensya na mga kasama kung hindi ko mapigil na hindi sikwatin ang grupong ito dahil kung tutuusin, sila ang pinakamabisang propagandista ni Ramos laban sa rebolusyonaryong kilusan at laban sa kilusang manggagawa. Ang grupong ito ang nagbibigay ng masamang imahe sa mga militanteng organisasyon at mukhang ang sumpa sa sarili ay idadamay ang lahat sa kanilang pagkawasak na kanila ring kagagawan.
Bumalik tayo sa ating paksa. Gusto kong idiin na mali na tanawin na ang globalisasyon ay isang simpleng "panibagong pakana ng imperyalismo" kundi ito'y isang panibagong istratehiya ng kapitalismo na nagmula sa realidad ng kasalukuyang pag-unlad ng ganitong pandaigdigang sistema.
May dalawang aspeto ang realidad na ito. Una, ang realidad ng pandaigdigang krisis ng kapitalismo na nagsimula pa noong 1974 at nagpapatuloy hanggang ngayon sa mga industriyalisadong bansa, at siyang sinisikap na alpasan sa pamamagitan ng globalisasyon. Ikalawa, ang malaking pagsulong sa larangan ng teknolohiya bunga ng mga pagsulong sa microelectronics, computer science, telecommunication at biotechnology. Ang mga pagsulong na ito sa teknolohiya ang nagbigay daan para sa mga TNCs na magawa nito ngayon ang internasyunalisasyon, hindi na lang ng kanilang operasyon, kundi ng mismong proseso ng produksyon na siyang tunay na kahulugan ng globalisasyon at siyang tunay na tinutugunan ng globalisasyon.
Bakit mahalagang maintindihan ang dalawang puntong ito? Sapagkat ipinaliliwanag nito ang penomenon ng globalisasyon, hindi sa balangkas ng isang "imperyalistang pakana" kundi mula sa realidad ng obhetibong sitwasyon ng pandaigdigang sistema ng kapitalismo.
Mga kasama, bumalik tayo ngayon sa usapin ng "intensyon". Saan natin ngayon ilulugar o kakalkalin ang ipinagmamalaki ni Ramos na "diwa ng internasyunal na kooperasyon" na nagbibigkis sa APEC at siyang magsusulong diumano sa Pilipinas at sa mga bansa ng Asia Pacific sa landas ng progreso at prosperidad pagpasok ng darating na bagong siglo?
Kung mga TNCs ang promotor ng globalisasyon at ang mga patakaran nito ng liberalisasyon, deregulation at privatization, kung ang may gawa ng vision, goals, agenda at plans ng APEC ay ang mga representante ng malalaking negosyante sa Asia Pacific -- paanong mangyayaring ang kanilang intensyon ay "progreso at prosperidad" para sa mamamayan, paanong mangyayaring ang kanilang inspirasyon ay ang diwa ng "internasyunal cooperation"?
Mga kasama!
Hindi ba't ang mga kapitalistang ito, ang mga negosyanteng ito ang dahilan ng ating paghihikahos at pakabusabos dahil sa kanilang kasakiman sa tubo, dahil kinakamkam at sinasarili nila ang yaman na mula sa ating pawis at pagod?
At ngayon, sasabihin ng punyetang gubyernong ito, na ang mga kapitalistang ito -- sila na nagpapahirap sa atin, sila na nang-aapi sa atin, sila na kung tratuhin tayo ay basura at alipin, sila na walang ginawa kundi magpasarap sa ating pinagpaguran, sila na nabubuhay sa kasaganahan habang ang ating pamilya ay naghihikahos, sila na walang pakialam kung magdildil tayo ng asin sa karampot nating suweldo, sila na walang pakialam kung tayo'y magugutom kapag pinatalsik nila sa trabaho, sila na kung durugin ang ating mga unyon ay parang dumudurog lamang ng mga upis, sila na hindi man lang makonsensya na mas masarap pa ang kinakain ng kanilang mga aso kaysa kinakain ng kanilang mga manggagawa, sila na natutulog nang mahimbing kahit alam nilang nagugutom ang ating mga pamilya at di mapag-aral ang mga anak pero kapag lumiliit ang kanilang tubo at nalulugi ang kanilang kompanya ay binabangungot -- ang mga tao bang ito, mga kasama, ang kapitalista bang ito, mga kasama, ang magliligtas sa atin sa impyerno ng karukhaan at magdadala sa atin sa paraiso ng kasaganahan!! Mga kasama, niloloko at ginagago tayo ng baliw at inutil nating gubyerno!
Gusto bang palabasin ng gubyerno na ang kaluluwa ng mga kapitalistang ito ay bilang sinaniban ngayon ng diwa ng internasyunal na kooperasyon, at sila ngayon ay magtutulungan para sa kaunlaran at kasaganahan ng mamamayan? Mga kasama! Kailan nangyari ang milagrong ito, anong petsa, anong araw? Kailan bumuka ang langit at naghulog ng kabutihang loob na sinambot ng lahat ng puso at budhi ng uring kapitalista? Mga kasama, kung ito'y totoo, malamang, ang buong APEC ay myembro na rin ngayon ng El Shaddai ni Brother Mike!
Eh mismo nga ang mga kapitalistang Pilipino ay nagpapatayan sa kompetisyon at handang patayin sa gutom ang kanilang mga manggagawa para lamang makaungos at kumita sa panahong ito ng globalisasyon, tapos palalabasin pa ngayon ng gubyerno, na ang kapitalistang Amerikano, ang kapitalistang Hapon, ang kapitalistang Intsik, at kung sinu-sinong mga kapitalista, ay magtutulong-tulng ngayon para umunlad ang lahat at gumanda ang buhay ng ordinaryong mamamayan sa Asia Pacific! Mga kasama! Kung naniniwala si Ramos sa kahibangang ito, hibang na nga ang ating pangulo!
Sabi ng mga tagapalakpak ng APEC, bigyan daw natin ito ng tsansa, bigyan daw natin ng tsansa ang gubyerno. Kung buladas lang ang APEC, at hanggang buladas lang, hindi natin ito pag-aaksayahan ng panahon. Kung gusto lang magpasikat ni Ramos sa pandaigdigang entablado, walang problemang pagbigyan siya sa kanyang hilig na kumpetensyahin ang tabako ni Fidel Castro.
Ang problema, hindi simpleng buladas ang APEC na lilipas na lang na parang mabahong hangin matapos ang okasyon sa Subic. Hindi simpleng gusto lang magpasikat ni Ramos sa Subic na dapat ikarangal ng mga Pilipino kung susundin ang baluktot na konsepto ng patriyotismo na itinuturo sa atin ng gubyerno. Ni hindi ito usapin ng bantog na hospitalidad ng mga Pilipino dahil dadalawin ang ating bansa ng libu-libong dayuhang delegado.
Ang nakataya sa APEC ay ang kabuhayan at hanapbuhay ng manggagawang Pilipino, ang kinabukasan at kihihinatnan ng sambayanang Pilipino, at ang patuloy na pagkabusabos at paghihikahos ng masang anakpawis sa buong daigdig. Ito ang tunay na isyu sa APEC, ang tunay na epekto ng globalisasyon sa masang anakpawis.
ANG EPEKTO NG GLOBALISASYON
Sa walang tigil na daluyong ng propaganda ng gubyerno sa APEC, ano na ang ating narinig na direktang kabutihang idudulot nito sa masang anakpawis na tuwirang karugtong ng saligang patakaran ng APEC, ang patakaran ng liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan?
Kapag liberalisado na ang kalakalan, magmumura daw ang mga produkto, kahit mga imported, at tataas ang kalidad dahil sa kompetisyon, at makikinabang raw dito ang ordinaryong mamimili. Kapag liberalisado na ang pamumuhunan, dadagsa raw sa Pilipinas ang mga dayuhang imbestor at maiibsan ang problema ng kawalang trabaho.
Walang sinasabi ang gubyerno sa masamang epekto ng liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan para sa masang anakpawis, tungkol sa mas malaki at mas pundamental na katotohanan ng liberalisasyong ito na siyang pangunahing instrumento para sa pang-ekonomyang globalisasyon.
Hindi sinasabi ng gubyerno kung ano ang magiging epekto sa mga manggagawa at magbubukid, at sa ating lokal na industriya at agrikultura, kapag lubusan nang binuksan ang bansa sa dagsa ng mga dayuhang kalakal.
Hindi sinasabi ng gubyerno kung paano niya aakitin sa bansa magnegosyo ang mga dayuhang imbestor imbes na sa ibang bansa ng Asia Pacific at ano ang magiging epekto nito sa mga manggagawa at sa mga lokal na negosyante.
Para sa mga manggagawa, kaunting pagkukunot lang ng noo ay maiisip na natin kung ano ang magiging epekto nito, dahil katunayan, nararamdaman na natin ito na parang salot na lumalaganap sa ating hanay. At kung tutuusin, mga kasama, nagaganap na ito sa buong mundo, mismo sa US -- ang sinasabing pinakamayaman at pinakademokratikong bansa sa daigdig -- at dinidilubyo ng globalisasyon ang manggagawang Amerikano.
Ito'y ang pagbagsak ng tunay na halaga ng ating suweldo, ang pagbagsak ng labor standards, ang pagbagsak ng mga unyon na dulot lahat ng globalisasyon. Ito ang pangunahin at tunay na epekto ng globalisasyon na itinatago at binabalewala ng gubyerno.
Ano ang koneksyon ng liberalisasyon at globalisasyon sa ganitong pangyayari?
Para maakit ng Pilipinas ang mga dayuhang imbestor, hindi lang kailangang ibukaka ng bansa ang kanyang likas na yaman kundi gawing baratilyo ang ating lakas-paggawa. Kung hindi, baka sa ibang bansa sila mamuhunan kung saan mas mura ang paggawa, mas maraming oportunidad at mas istable ang kalagayan.
Kapag nagsimula nang dumagsa ang mga dayuhang kalakal, siguradong napakaraming kompanya ang mababangkrap at magsasara dahil hindi makalaban sa kompetisyon at ang magiging epekto nito ay pagdami ng walang trabaho habang maraming kapitalista ay kakamby na lang sa trading o kalakalan, magiging importer na lang ng mga yaring produkto.
Ang mga kompanya naman na mangangahas lumaban, ang siguradong diskarte nila, kasabay ng modernisasyon ng produksyon, ay magbabawas ito ng mga empleyado (downsizing) at gagawa ng iba't ibang diskarte para mapamura ang labor cost, gaya ng contractualization at casualization, samantalang pinaiigting ang produksyon at akumulasyon.
Kapag liberalisado na ang kalakalan at pamumuhunan sa buong mundo, iigting nang walang kasing-igting ang pandaigdigang kompetisyon ng mga kapitalista sa kanilang agawan sa pandaigdigang pamilihan. Ang kompetisyon ito ay hindi lamang pagalingan ng produkto, ito'y pamurahan ng magkakaribal na produkto.
At sa pandaigdigang kompetisyong ito ng kapital at kalakal, ano ang mapagpasya? Ito ay ang presyo ng paggawa, ang labor cost, sapagkat ang nagtatakda ng halaga ng mga kalakal ay ang paggawa at ang mapagpasyang salik sa akumulasyon ng kapital ay ang sobrang-paggawa sa anyo ng tubo.
Ito ang paliwanag kung bakit sa Pilipinas at sa buong daigdig ay bumabagsak ang halaga ng sweldo at mga benepisyo, kung bakit sa buong Pilipinas at sa buong daigdig ay bumabagsak ang labor standards, binabawi ang halos lahat ng pagsulong ng kilusang manggagawa sa nagdaang isang daang taon. Pero bakit pati ang mga unyon ay nawawasak, ang mga kasapian ng mga unyon sa napakaraming bansa ay bumabagsak?
Mga kasama, pagtatakhan pa ba natin ito?
Ang mga unyon ang nakikibaka para maitaas ang sweldo at maparami ang mga benepisyo ng mga manggagawa. Kung anuman ang mga labor standards na naaabot sa buong daigdig at sa bawat bansa, ito ay dahil sa kilusang unyon, at sa partikular, sa militanteng unyonismo.
Natural lamang na ang direksyon ng pangunahing dagok ng kapital ay walang iba kundi ang unyonismo sa paghahanap nito ng mas murang paggawa. Hindi ba't sa lahat ng "Regional Industrial Centers" ng gubyernong Ramos, ang patakaran nito ay "no union, no strike" para maakit ang lahat ng klase ng imbestor? Dahil ang unyonismo ay palakol sa lalamunan ng bawat kapitalista na walang ibang hangad kundi ang mas malaking tubo at walang ibang kinahihibangan kundi ang kapitalistang kompetisyon at akumulasyon.
Mga kasama! Gugunawin ng mundo ng kapital sa pamamagitan ng globalisasyon ang mundo ng unyonismo. Kung tayo'y magsasawalang-bahala at magsasawalang-kibo, magigising na lang tayong ginagapang ng contractualization at casualization ang ating hanay, binabayo ng retrenchment, ginigiling ng rotation, dinudurog ang unyon, inaalisan ng karapatang magwelga. Kapag hindi pa tayo gumalaw para pagkaisahin ang ating hanay, babawiin ng kapital ang lahat ng nagdaan at naipon nating mga tagumpay at ibabalik tayo sa panahong maghihintay na lamang tayo ng limos mula sa ating mga kapitalista kapag umaapaw na ang kanilang mga bulsa sa tubo. Maghihintay na lamang tayong "pumatak" ang benepisyong ipinapangako ng kanilang teoryang "trickle down".
Sa teoryang ito umiinog ang pangakong benepisyo ng globalisasyon. Kapag umasenso raw ang negosyo, aasenso rin daw tayo. Totoo ba ito mga kasama? Pagkarami-rami nang kapitalista ang nakita nating umasenso. Pero kinakitaan man lang ba natin ng totoong pag-asenso ang kanilang mga manggagawa kung di dahil sa unyonismo? Ilan daang taon na ang kapitalismo. Nang magsimula ang kapitalismo, isang kahig, isang tuka ang mga manggagawa. Hanggang ngayon, isang kahig, isang tuka pa rin tayo. Samantalang ang kapital, tumubo nang tumubo, lumago nang lumago, kinakamkam nang kinakamkam ang likhang yaman ng masang anakpawis sa buong mundo. Kung hindi ito totoo, paano nangyaring ang kabuuang ari-arian ng 358 na bilyonaryo sa mundo ay katumbas ng taunang kita ng 2.4 bilyon na tao sa buong daigdig? Ito ba ang "trickle down"?
Pasalamat raw tayo sa kapital sapagkat kung hindi dahil dito wala tayong trabaho, kung wala tayong trabaho, tayo'y magugutom, walang ipapakain sa ating mga pamilya. Ito ang pinakamasakit na kabalintunaan ng kapitalismo. Tayo ang bumubuhay sa ating mga kapitalista, tayo ang bumubuhay sa lipunan, sa ating pawis at lakas nagmumula ang likhang yaman ng daigdig. Pero paano nangyaring tyao na siyang bumubuhay sa lipunan at siyang lumilikha ng yaman, ay hindi mabubuhay kung wala ang kapital? Sapagkat inaari ng kapitalista ang ating ikabubuhay -- pag-aari nila ang mga pabrika, ang mga makina, ang hilaw na kalakal, ang mga kagamitan sa produksyon ng lipunan. Ang pagmamay-ari nilang ito sa mga kagamitan sa produksyon ng lipunan ang tinatawag na kapital. At dahil lamang dito -- dahil pag-aari nila ang ikabubuhay ng lipunan, dahil lamang sa konseptong ito ng pribadong pag-aari ng mga kagamitan sa produksyon ng lipunan -- at dahil wala tayong pag-aari bukod sa ating lakas-paggawa, nasa kanliang pagpapasya na kung tayo'y magugutom o hindi, kung mabubuhay o hindi ang ating mga pamilya.
Ito, mga kasama, ang kapitalistang sistema, ang sistema ng sahurang pang-aalipin -- alipin tayo ng sistemang ito ng pasweldo dahil kung hindi tayo mamasukan sa kapitalista, kung hindi natin ibebenta ang ating lakas-paggawa kapalit ng sweldo, ng karampot na sweldo, tayo at ang ating mga pamilya ay mamamatay sa gutom. Ito, mga kasama, ang sistemang kinakatawan ng globalisasyon, ang sistema ng sahurang pang-aalipin na sa ilalim ng globalisasyon ay gusto pang barating ang ating sweldo, gustong baratin ang ating pagpapaalipin.
Mayoong bang alternatiba sa globalisasyon? Ang alternatibang ito ay di matatagpuan sa balangkas ng kapitalismo, sa balangkas ng patuloy na paghahari ng kapital sa paggawa. Sa loob ng balangkas ng sistemang kapitalista, ang tanging magaawa natin ay pagandahin ang kondisyon ng ating pagpapaalipin, dekorasyunan ng mga benepisyo, pataasin ang preyso ng ating pagpapaalipin, ngunit alipin pa rin tayo ng kapangyarihan ng kapital. Hanggang dito na lamang ang nagagawa ng unyonismo. Mapait mang aminin, masakit man sabihin, ang CBA ay negosasyon lamang sa terms and conditions ng ating pagpapaalipin sa kapital.
Ngunit kailangan natin ang unyon, kailangan natin ang unyonismo. Kailangan natin ito hindi lamang para labanan ang sukdulang pang-aalipin ng kapital. Kailangan natin ito, higit sa lahat, para bawiin ang ating dignidad, matutong makibaka, matutong magkaisa hanggang sa mabuo natin ang kapasyahang lampasan ang limitasyon ng unyonismo at yakapin ang pangangailangan ng makauring pagkakaisa, ang pagkakaisa ng lahat ng manggagawa saan mang linya ng industriya, para wakasan ang mapagsamantalang lipunang di makatarungan at di makatao.
Ano ang lipunang makatarungan at makatao? Ito ay isang lipunang ang mga instrumento sa produksyon ng lipunan -- ang lupa, ang pabrika, ang mga makina, ang mga hilaw na materyales -- ay hindi inaari ng iilan para gamiting instrumento ng pagsasamantala sa nakararami. Sa bawat pabrika, hindi maaring sabihin ng isang manggagawa na gawa niya ang isang produkto dahil nagdaan ang produktong ito sa kamay ng iba't ibang manggagawa, sa loob at labas ng kanyang pabrika. Ang produksyon sa ilalim ng kapitalismo ay produksyon ng buong lipunan, sosyalisadong produksyon. Hindi maaring sabihin ng isang manggagawa na siya lang ang may gawa ng isang produkto dahil ginawa ito ng maraming manggagawa. Pero mayroong isang tao na may pribilehiyo na sabihing kanya, pag-aari niya ang produktong ito na gawa ng maraming tao -- ang taong ito ay ang kapitalista.
Sosyalisado ang produksyon, pero pribado ang pagmamay-ari sa produkto ng lipunan -- ito ang kapitalismo. At sa ilalim ng globalisasyon, hindi na lang sosyalisado ang produksyon kundi internasyunalisado na ang proseso ng produksyon. Masasabi na nating produkto ng sangkatauhan ang produkto ng globalisasyon. Pero nananatili pa ring pag-aari ng mga may-ari ng kapital, pag-aari ng iilan ang pinagpaguran ng masang anakpawis sa buong daigdig. Ang kulang na lang ay ariin at pakinabanang ng sangkatauhan ang pinagpaguran ng sangkatauhan. Ito ang tunay at tanging globalisasyon na maari nating itaguyod. Ito ang sosyalismo.

Wednesday, November 18, 2015

Workers rally to decry APEC’s pro-business, anti-labor record




In a multisectoral rally today in Manila, the labor party-list group Partido Manggagawa (PM) decried the Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) summit for its “pro-business, anti-labor record.” Several hundred members of PM and other sectoral groups coalesced under the People’s Forum on APEC marched from UST to Liwasang Bonifacio in this major anti-APEC protest. As of the moment, police have blocked the mobilization in front of the Metropolitan Theater.

Rene Magtubo, PM national chair, stated that “Sacrifices born by commuters, students and workers since Monday in lost time due to heavy traffic and lost pay due to holidays as part of the summit are emblematic of the anti-people essence of capitalist globalization that lies at the heart of APEC. APEC is engaging in double-speak as repression of workers’ rights by its member countries belies its inclusive growth tagline. Inclusive growth in APEC countries is impossible without respect for basic labor rights, including the right to unionize and receive living wages.”

He cited as an example that “When Philippine President Benigno Aquino III and South Korean President Park Geun-Hye meet at this APEC summit, they surely talk about promoting trade and investments. But we doubt they will even speak about protecting union rights and decent pay for workers of Korean-owned companies in the Philippines. Yet many ongoing industrial disputes involve Korean-owned factories in the Philippines.”

Workers from two Korean-owned companies based in the country who are now embroiled in labor rows are challenging the leaders of the countries on APEC’s track record on workers’ rights. Employees of power company KEPCO-Cebu and metal factory Tae Sung in Cavite have charged their managements with union busting and have pending labor disputes.

According to Charlie Piamonte, union president of Tae Sung Employees Association (TEA), they filed a notice of strike last November 12 for union busting. He explained that Tae Sung illegally fired union officer Joven Niviar, among other incidents of harassment of union members. The union is planning to conduct a strike vote within the next few days. Under the law, a union may launch a strike seven days after a majority of union members authorize it through a vote. Tae Sung is based in the Cavite Economic Zone in Rosario, Cavite and produces metal parts for the supply chain of multinational companies like American Power Conversion-Schneider Electric, Honda, Mitsubishi, Caterpillar and Siemens.

Meanwhile, Lowell Sanchez, president of the KEPCO Cebu Supervisors Association (KCSA-WSN-Sentro), challenged the government to resolve the long-running labor row that is now the subject of an assumption of jurisdiction (AJ) order from Labor Secretary Rosalinda Baldoz. The KEPCO union filed a notice of strike last June for the unfair dismissal of Sanchez. The planned strike of the KEPCO workers was stopped by an AJ order so that it will not affect the APEC ministers meeting in Cebu last August. KEPCO is South Korea’s state-owned power company and operates coal plants in Cebu and Batangas.


“KEPCO and Tae Sung are crystal clear examples of how APEC has facilitated growth and profit for multinational corporations that operates across borders. And they also fully illustrate how workers have born the sacrifices for the phenomenal economic benefits that corporations have reaped due to APEC. Workers across APEC countries contend with low pay, contractual work and union suppression even as their labor created the doubling of real GDP within APEC between 1989 and 2013,” Magtubo averred.

November 18, 2015

Tuesday, November 17, 2015

Workers of Korean-owned companies with labor disputes ask: Can APEC protect labor rights?

Workers from two Korean-owned companies based in the country who are now embroiled in labor disputes are asking the leaders of the countries attending the Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) summit if its agenda includes protection for labor rights. Employees of power company KEPCO-Cebu and metal factory Tae Sung in Cavite have charged their managements with union busting and have pending labor disputes.

The labor group Partido Manggagawa (PM) slammed APEC for “double-speak” as repression of workers’ rights belies its “inclusive growth tagline.” “Inclusive growth in APEC countries is impossible without respect for basic labor rights, including the right to unionize and receive living wages.” insisted Rene Magtubo, PM national chair.

He added that “When Philippine President Benigno Aquino III and South Korean President Park Geun-Hye meet at this APEC summit, they surely talk about promoting trade and investments. But we doubt they will even speak about protecting union rights and decent pay for workers of Korean-owned companies in the Philippines. APEC is all about business and nothing about workers.”

According to Charlie Piamonte, union president of Tae Sung Employees Association (TEA), they filed a notice of strike last November 12 for union busting. He explained that Tae Sung illegally fired union officer Joven Niviar, among other incidents of harassment of union members. The union is planning to conduct a strike vote within the next few days. Under the law, a union may launch a strike seven days after a majority of union members authorize it through a vote. Tae Sung is based in the Cavite Economic Zone in Rosario, Cavite and produces metal parts for the supply chain of multinational companies like American Power Conversion-Schneider Electric, Honda, Mitsubishi, Caterpillar and Siemens.

Meanwhile, Lowell Sanchez, president of the KEPCO Cebu Supervisors Association (KCSA-WSN-Sentro), challenged the government to resolve the long-running labor row that is now the subject of an assumption of jurisdiction (AJ) order from Labor Secretary Rosalinda Baldoz. The KEPCO union filed a notice of strike last June for the unfair dismissal of Sanchez. The planned strike of the KEPCO workers was stopped by an AJ order so that it will not affect the APEC ministers meeting in Cebu last August. KEPCO is South Korea’s state-owned power company and operates coal plants in Cebu and Batangas.

“KEPCO and Tae Sung are crystal clear examples of how APEC has facilitated growth and profit for multinational corporations that operates across borders. And they also fully illustrate how workers have born the sacrifices for the phenomenal economic benefits that corporations have reaped due to APEC. Workers across APEC countries contend with low pay, contractual work and union suppression even as their labor created the doubling of real GDP within APEC between 1989 and 2013,” Magtubo averred.

November 17, 2015

Monday, November 16, 2015

Workers most affected but the richest 1% got all of APEC gains

People walk to Baclaran from NAIA Road (MB Photo by Ali Vicoy)
Lost income, travel ban, road closures and clamp down on protests are all that workers will get this week while APEC (Asia-Pacific Economic Cooperation) VIPs and delegates travel in comfort, ensured of total security, and their agenda heard and advanced during high level meetings.
 
According to the partylist group Partido Manggagaw (PM), this contrast is a mere continuity of the sharp divide that characterizes APEC history – “workers doing the great sacrifice while APEC leaders and the capitalist class take control of enormous wealth and appropriating it among themselves and the region’s 1%.”
 
Members of Partido Manggagawa and the Philippine Airlines Employees Association (PALEA) have a scheduled protest against the scourge of contractualization along the Airport Road and Roxas boulevard tomorrow but the total shutdown of the area is preventing many participants, including those coming from Cavite, from linking in.
 
“APEC will neither pay for workers’s lost wages nor care about their lost hours in traffic.  APEC also won’t bother curtailing workers’ rights to protest. These are all because APEC is all for business, its agenda is all about free trade and free market,” stated PM chair Renato Magtubo.
 
Magtubo said that for almost three decades, APEC was nothing but an exclusive gathering of business leaders whose agenda for trade and investments are guaranteed by aligning governments’ legal frameworks on economic policies. 
 
“Workers who created APEC’s USD 31 trillion GDP and facilitated 47% of world trade have never been made part of this Summit.  All of APEC’s agenda come from the top CEOs under the APEC Business Advisory Council (ABAC),” said Magtubo.
 
According to PM, part of APEC policies that have been pushed by business is labor flexibilization that takes a major form in outsourcing/contractualization programs.  “PAL’s outsourcing program is hailed by its bosses, as well as the Philippine President, as ‘global best practice’, indicating a major shift in the country’s industrial relation,” added Magtubo.
 
“Worldwide labor contractualization has become a plague – a policy that killed trade unionism, destroyed workers’ security of tenure, depressed wages, killed small and medium businesses, and driven millions of workers to unemployment and precarious working conditions in the informal economy,” explained Magtubo.
 
With a population of 2.8 billion people, the APEC economies are also home to the most number of billionaires, while some 750 million poor people live on less than USD 1.25 a day.
 

The Asian Development Bank has in fact noted that Asia’s rising inequality has denied the benefits of growth to many millions of its citizens “as the regions rich get richer much faster than the poor.”

16 November 2015

Sunday, September 6, 2015

PM to NEDA: What are the structural labor reforms in 2015 APEC agenda?

News Release
September 6, 2015

 Besides being the Summit host this year, the Philippines also boasts of being at the forefront of initiating business reforms in the 21-member Asia-Pacific Economic Cooperation (Apec), with the proposed 2016-2020 “Apec New Strategy for Structural Reform” to be presented by the National Economic Development Authority (NEDA) at the scheduled Ministerial Meeting on Sept. 7-8 in Cebu City.
 But in a statement sent to media, the labor group Partido Manggagawa (PM) is asking the government to disclose in full details the kind of labor reforms the government would pitch for APEC members to adopt and whether these proposals came to the fore in consultation with labor.
 “We are glad to hear that after decades of pure business talks, labor is now included in the 2015 APEC Priority Agenda.  But what are the key components of ‘Investing on Human Capital Development’ aside from giving a new name to the previously known business lingo for human resource development?  What is so structural about skills development which had been the world’s agenda since the advent of capitalism?,” lamented PM Chair Renato Magtubo.
 Officially the APEC 2015 will have the following priorities in into its agenda:
 §  Enhancing the Regional Economic Integration Agenda
§  Fostering Small and Medium Enterprises’ Participation in Regional and Global Markets
§  Investing in Human Capital Development
§  Building Sustainable and Resilient Communities
 Magtubo pointed out that except for the fourth item, the three priority agenda are all business-related, with human capital development still anchored on enhancing efficiency and competitiveness among firms and with that, labor flexibilization will continue to be the name of the game in the labor market.
 Magtubo, a former partylist representative, added that it is the process of globalization that created the vast market of flexible labor, skilled or unskilled, who are made to fit into non-standard employment or into the galaxy of precarious jobs. 
 PM cited as an example the case of Philippine Airlines (PAL) where skilled and regular workers, since 2011 up to now, are being replaced by contractuals through the government-backed outsourcing program.
 More than half of employed persons in the Philippines are into non-standard employment, in fact as high as 77%, according to the Employers Confederation of the Philippines (ECOP). 
 “They all happen in the name of competitiveness.  And the menace is all over the region as per demand by business and sanctioned by the states,” said Magtubo.
Another case is the Kentex tragedy where the slipper factory, including the 99% similar SME-type factories in Valenzuela, are found to be non-compliant to labor as well as to safety and health standards.
 “In short the Philippines can never be at the forefront of labor reforms in the region unless it is able to address the plague of contractualization and sweatshop operations of Philippine industries that close the path of PH growth towards inclusiveness,” stressed Magtubo.

 “Kung hindi maamin at itatago ito ng gubyerno, ihahayag ito ng manggagawa sa darating na APEC Summit,” concluded Magtubo.

Saturday, November 29, 2014

Workers to call for rejection of Belmonte cha-cha in Bonifacio rally

Press Release
November 29, 2014

The rejection of the charter change move led by House Speaker Feliciano Belmonte will be a highlight of tomorrow’s big Bonifacio Day rally, declared the labor group Partido Manggagawa (PM).

“Workers oppose Belmonte’s economic cha-cha as it carries the same old agenda of giving foreign capital more flexibility and freedom in doing business in the country. While Congress makes an x’mas rush to vote on the chac-cha as demanded by foreign Santas, it gives a deaf ear to workers demands for enabling laws to the living wage and security of tenure provisions of the Constitution,” stated Wilson Fortaleza, PM spokesperson.

Several thousand workers from the groups comprising the labor coalition Nagkaisa will commemorate the 151st anniversary of the plebian hero Andres Bonifacio by marching from Welcome Rotunda to Mendiola tomorrow morning. Aside from opposing Belmonte’s cha-cha, workers will also criticize the anti-labor policies pursued or tolerated by the Aquino administration such as contractualization, cheap labor, high cost of power, and the deepening inequality created under the general condition of jobless growth.

“The motive force for the economic cha-cha is clearly exposed by the fact that Belmonte’s announcement of a pre-x’mas vote came right after the House leadership met with representatives of foreign chambers of commerce and local business groups,” Fortaleza argued.

PM vowed to mobilize workers in a campaign to fight the economic cha-cha. “The Bonifacio Day rally is the opening fire of the campaign to oppose Belmonte’s cha-cha and the Christmas holidays will not dampen workers resolve to resist this new attempt to tear up the token nationalist provisions of the Constitution,” Fortaleza insisted.

He added that “Belmonte and company is concocting an untested formula in constitutional amendments thru a joint resolution loaded with the sinister insertion ‘unless otherwise provided by law’ which can be utilized anytime the need for actual amendment arises. Belmonte’s cha-cha is surely waiting for an intense legal and extra-legal battle.”


The theme of Nagkaisa’s Bonifacio Day rally will be “Hanap ng manggagawa: Makamanggagawang lider ng bansa.” Thus the labor coalition is giving notice to political wannabes that their early plunge to the 2016 elections is giving workers a bad impression, that their attention now are all in pursuit of their personal political ambitions and not the urgent demands of the working class.

Tuesday, February 11, 2014

Bad policies behind rising unemployment -- PM

PRESS RELEASE
11 February 2012

It is not the bad weather but a combination of bad policies that is driving the country’s unemployment rate up, the workers’ group Partido ng Manggagawa (PM) said in a statement, in reaction to Malacanang’s “understandable” description of the latest Social Weather Station (SWS) survey on unemployment.
 
“It is really sad to see the unemployment numbers rising but we are more troubled with the fact that after more than three years in office, the Aquino administration has yet to understand the root cause of this chronic problem.  And it’s not about the weather,” declared PM chair Renato Magtubo.
 
The number of unemployed Filipinos, according to the SWS, swelled to more than 12.1 million in 2013. Malacanang, however, meekly "understood" it as an outcome of Yolanda, the Bohol earthquake and the Zamboanga siege. 
 
The group asserted that while climate change is now becoming the biggest threat especially to most vulnerable countries like the Philippines, bad policies remain the biggest obstacle to the country’s development, more so in the midst of worsening climate crisis. 
 
“Trade liberalization both in industry and agriculture, lack of industrial program, and the privatization-led growth model were to blame in this chronic problem of unemployment in the country,” said Magtubo, adding that since the country implemented those programs in the 80’s, “growth had not only been jobless but highly unequal.”
 
The group pointed out, based on its own review of the country’s development pattern during the past 30 years, it was every clear that growth years never translated into jobs while economic gains benefited only a few families. 
 
“Except for crises years of 1984-85, 1991, 1992 and 1998, the remaining 25 years between 1980 and 2013 were all 'growth years,' the highest rates during the last decade, including the 6.8% in 2012.  But the unemployment rate remained flat,”explained Magtubo.
 
The former partylist representative added that the only period where the unemployment rate in the country fell to single digit was when the government changed employment definitions in 2005, reducing in effect the number of unemployed persons by some 1.4 million. 
 
Magtubo said that unless the Aquino government and the ruling elite change course by reversing those bad policies, they will be punishing not only the present but even the future generation of workers.
 
More than half of the unemployed, both in the SWS and the NSO surveys, are those in age group 18-24.
 
He also warned that the unemployment problem is a “ticking time bomb”, a social problem that is due to explode unless addressed decisively by the present government.

Wednesday, June 27, 2012

Workers picket CB in protest of $1B loan to IMF

Press Release
June 27, 2012
PALEA

Members of the Philippine Airlines Employees’ Association (PALEA) and the Partido ng Manggagawa (PM) picketed this morning the Central Bank headquarters and office of the Department of Finance at
Roxas Boulevard
in Manila in a protest against the controversial $1 billion loan to the International Monetary Fund (IMF). More than a hundred workers chanted “Help the needy not the greedy! Support Europeans thru solidarity not austerity!”

“How can Malacanang justify the loan as helping the Europeans when the supposed beneficiaries have rejected the IMF bailout and its conditionalities? By protests and through the polls, the workers and people of Greece, Spain, Portugal, Ireland, Italy and France have all rejected IMF austerity,” averred Gerry Rivera, PALEA president.

Renato Magtubo, PM national chair, insisted that “The $1B—which is the blood and sweat of our OFW’s—will harm our own migrant workers in Europe since the IMF’s austerity schemes dictate cuts in wages, reduction in social programs and liberalization of labor contractualization. By extending the loan to the IMF, our OFW’s and Europeans workers will earn less, lose public services and be easier to fire.”

The rally today also coincides with the 9th month anniversary of PALEA’s fight against outsourcing. Last year, on September 27 PALEA launched a protest action at the airport against contractualization and up to now it maintains a picketline outside the PAL In-Flight Center. PALEA called on the new management of Philippine Airlines led by Ramon Ang to revive the flag carrier by reinstating its regular workers. “After nine months of protest, PALEA continues to labor for justice,” declared Rivera.

In reply to Presidential Spokesperson Edwin Lacierda’s assertion that the loan to the IMF will be help global stability, Rivera asserted that “It will just be used to bailout the bankers even as ordinary Europeans and migrant workers suffer the pains of austerity. In opposing the loan to the IMF, we are extending the hand of solidarity to our brothers and sisters in Europe. It is amazing that PNoy readily comes to the aid of European bankers but he is blind and deaf to the cries of the Filipino workers for wage increase and regular jobs.”

Magtubo added that “Instead of stabilizing, the IMF is destabilizing the economies of Europe. Despite receiving several bailouts from the IMF, Greece is in recession for five years running with unemployment at more than 20% in general but more than 50% for the youth. This year Spain fell into a double-dip recession with unemployment rates similar to Greece which will be aggravated by austerity measures dictated in the recent bailout scheme.”

“Just like Europe, the Philippines too is a victim to the anti-labor and anti-people policies of the IMF. Liberalization has led to the collapse of Philippine industry and agriculture resulting to job losses and rural unemployment. Privatization and deregulation has led to price hikes and worsening poverty. It is time for a paradigm shift. Uphold growth and hope instead of recession and injustice in Europe and the Philippines. Shift to a new paradigm of living wages, regular jobs, taxes on the rich, social services, national industrialization and agrarian reform,” Rivera explained.

Tuesday, June 26, 2012

Protesta laban sa $1B pautang sa IMF: Grupo ng manggagawa susugod sa Central Bank bukas

Press Release
June 26, 2012

Ang mga manggagawang myembro ng Partido ng Manggagawa ay susugod bukas ng umaga sa opisina ng Central Bank at Department of Finance sa Roxas Boulevard sa Maynila upang batikusin ang planong $1 bilyong pautang ng Pilipinas sa International Monetary Fund (IMF). Ang pautang ay para diumano sa Euro crisis pero nag-aaakusa ang Partido ng Manggagawa na gagamitin ito ng IMF para magpataw ng kontra-manggagawang austerity schemes sa Europa.

“VIP treatment kay PNoy ang mga bankero sa Europa na makikinabang sa $1 bilyong pinagpawisan ng ating OFW’s. Samantala deadma lang si PNoy sa hinaing ng manggagawang Pilipino noong Mayo Uno para sa dagdag sahod at trabahong regular,” giit ni Renato Magtubo, tagapangulo ng Partido ng Manggagawa.

Paliwanag ni Gerry Rivera, pangulo ng unyong Philippine Airlines Employees Association (PALEA), “Ang mismong pagtutol sa utang ang paraan para tumulong sa mga taga-Europa sapagkat magiging biktima lang sila ng mga dikta ng IMF gaya ng pagkaltas sa sweldo, pagbabaklas sa proteksyon sa paggawa, pagsasapribado ng mga kompanya at pagtitipid sa mga serbisyo publiko. Ang IMF ay manunuba di manunubos.”

Sasama sa rali bukas ang mga miyembro ng PALEA na nasa ika-10 buwan ng kanilang laban kontra kontraktwalisasyon sa PAL. Nananawagan ang PALEA sa bagong management ng PAL sa pangunguna ni Ramon Ang ng San Miguel Corp. na ibalik ang mga regular na manggagawa upang makalipad muli ng maayos ang flag carrier ng bansa.

Dagdag ni Magtubo, “Pakikiisa hindi pautang ang tamang pagtulong sa mamamayan ng Europa. Sinusuportahan namin ang sigaw ng mga manggagawa ng Europa para sa growth sa halip na austerity, ibig sabihin, umento sa sahod, regular na trabaho, serbisyong panlipunan at pagbubuwis sa mayayaman upang ibangon ang ekonomiya ng mga bansang sadlak sa krisis gaya ng Greece, Spain, Portugal, Ireland, Italy at Cyprus. Sa katunayan ganitong patakaran din ang dapat ipatupad ni PNoy sa Pilipinas.”

Workers slam PNoy’s $1B loan to IMF

Press Release
June 26, 2012

The labor party Partido ng Manggagawa (PM) today slammed the government’s decision to loan $1 billion of the country’s foreign reserves to the International Monetary Fund (IMF). The fund is intended for the Eurozone crisis but PM avers that it will be used by the IMF to impose anti-workers austerity schemes in Europe.

“We call on PNoy to reconsider his decision. $1 billion is better used for social protection at home than social devastation abroad. The workers and people of Greece, Spain, Portugal, Italy and even France have rejected austerity through the polls and by protests,” insisted Renato Magtubo, PM national chair.

Tomorrow PM together with the Philippine Airlines Employees’ Association (PALEA) will stage a rally at the Central Bank headquarters and office of the Department of Finance in Manila in protest of the loan to the IMF. The rally also coincides with the 9th month anniversary of PALEA’s fight against outsourcing. Last year, on September 27 PALEA launched a protest action at the airport against contractualization which was forcibly suppressed by airport police and security guards. PALEA is calling on the new management of Philippine Airlines led by Ramon Ang to revive the flag carrier by reinstating its regular workers.

Gerry Rivera, PALEA president, said that “PNoy readily comes to the aid of European bankers but he is blind and deaf to the cries of the Filipino workers for wage increase and regular jobs. In opposing the loan to the IMF, we are extending the hand of solidarity to our brothers and sisters in Europe. Let us help the needy not the greedy. The IMF will use our $1B—which is the blood and sweat of our OFW’s—to bail out the bankers of Europe and squeeze money from the workers through cuts in wages, pension, subsidies and social programs.”

Magtubo added that “The IMF wants the workers to pay for the crisis of the capitalists. The Eurozone crisis is a result of European governments’ bailing out their bankers which were saddled by failed speculative investments in the subprime housing market in the US that collapsed in 2008. As a result of austerity tied to loans, Greece is in recession for five years running with unemployment at more than 20% in general but more than 50% for the youth. This year Spain fell into a double-dip recession with unemployment rates similar to Greece which will be aggravated by austerity measures dictated in the recent bailout scheme.”

“Just like Europe, the Philippines too is a victim to the anti-labor and anti-people policies of the IMF. Liberalization has led to the collapse of Philippine industry and agriculture resulting to job losses and rural unemployment. Privatization and deregulation has led to price hikes and worsening poverty. It is time for a paradigm shift. International solidarity instead of IMF austerity. Uphold growth and hope instead of recession and injustice in Europe and the Philippines. Shift to a new paradigm of living wages, regular jobs, taxes on the rich, social services, national industrialization and agrarian reform,” Rivera explained.