Press Release
November 26, 2011
PALEA
Si Tado Jimenez na mas kilala sa simpleng pangalang Tado ay mag-eemcee ng isang solidarity concert para sa PALEA mamayang gabi. Ang concert sa protest camp ng PALEA sa may
MIA Road
ay bilang paghahanda din sa darating na pagkilos ng mga manggagawa sa Araw ni Bonifacio sa Miyerkules.
“SuporTADO ko ang PALEA. Ang laban ng PALEA ay laban ng lahat, kasama ako,” sigaw ni Tado. Bukod kay Tado, marami nang artista, sikat at di kilala, ang bumisita sa protest camp at nakikiisa sa laban ng PALEA laban sa kontraktwalisasyon. Ilan sa naunang pumunta sa picketline ay si Sandy Andolong at May Paner o mas kilalang Juana Change.
Ilan sa bandang tutugtog ay Outsource Band, Makuri Makuru, Milky Summer, Mary's Palm, Suicidal Genius, OG Sacred at LTNS. Ang kantahan mamaya ay tinatawag na “Concert for the 99%: A Solidarity Night for the Workers and the Poor.” Ang katawagang 99% ay pinasikat ng
Occupy Wall Street
movement sa Amerika at tumutukoy sa malaking mayorya ng mamamayan na naghihirap sa kabila ng karangyaan ng iilan o ng 1%.
Hindi rin ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ng concert sa protest camp sapagkat tuwing Sabado ay madalas na may bands na sumusuporta sa pamamagitan ng pagkanta at pagtatanghal. Noong Oktubre ay mga members ng grupong Dakila ang nag-concert sa kabila ng malakas na buhos ng ulan.
Ang temang 99% din ang mensaheng ipapabatid ng pagkilos sa Nobyembre 30. Libu-libong manggagawa nag magrarali sa Mendiola nang tanghali bago mag-motorcade papuntang protest camp ng PALEA sa hapon.
1 comment:
Interesting post and I really like your take on the issue. I now have a clear idea on what this matter is all about. Thank you so much.
Post a Comment