“Magandang balita subalit pigil pa sa kasiyahan ang manggagawa sa pagkakapasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa panukalang P200 na dagdag-sahod,” pahayag ng Tagapangulo ng Partido Manggagawa na si Renato Magtubo.
Ito ay dahil may tatlong araw na lamang ang natitirang sesyon ng 19th Congress
at sa loob ng ora de peligro na ito ay dapat magkasundo agad ang Bicameral
Conference Committee dahil P100 naman ang naunang naipasa ng Senado. Matapos
ito ay kailangang lagdaan ng Pangulo ang napagkasunduang bersyon para maging
batas.
“Subalit kung talagang gugustuhin ng Palasyo at Kongreso, walang imposible.
Kahit nga ang impeachment ni Sara Duterte ay kakayanin pa. Political will ang
tawag dyan na siyang laging pagkukulang na hinahanap ng manggagawa sa gobyerno,
dagdag ni Magtubo.
Sinabi pa ni Magtubo na marami pang mga hinaing ang manggagawa na kailangang
aksyunan ng Palasyo at Kongreso katulad ng pagwawakas sa endo at patuloy itong
ipaglalaban sa paparating na 20th Congress.
PRESS STATEMENT
04 June 2025
No comments:
Post a Comment