Sunday, September 20, 2026

MANGGAGAWA LABAN SA DIKTADURA, KORAPSYON AT DINASTIYA!

 


Sa bisperas ng paggunita sa ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law, lalahok ang Partido Manggagawa (PM) sa Lakbay Pananagutan ng People’s Assembly sa ibat-ibang institusyon tulad ng Batasan, Korte Suprema, at Edsa Shrine ngayong Setyembre 20 upang igiit na ang laban kontra diktadura ay hindi lamang pag-alala sa nakaraan—ito ay laban din sa mga anyo ng pang-aabuso sa kapangyarihan na nararanasan ng manggagawa sa kasalukuyan.

 

“Manggagawa laban sa diktadura, korapsyon at dinastiya!” ang paninindigan at panawagan ng PM.

 

“Ang Martial Law ay hindi dapat maging simpleng history lesson na inaalala tuwing Setyembre. Para sa manggagawa, may malinaw itong aral: kapag concentrated ang political at economic power sa iilan at mahina ang democratic institutions at organized labor, madaling maabuso ang kapangyarihan,” pahayag ni PM Chairperson Renato Magtubo.

 

Kasabay nito, bibigyang-diin ng PM sa Lakbay Pananagutan ang dalawang partikular na panawagan: “Trabahong endo at mababang sweldo ay diktadura sa manggagawa!” at “Paghadlang sa unyonismo, diktadura sa manggagawa!”

 

Ayon sa grupo, ginagamit nito ang salitang “diktadura” sa mga panawagang ito upang idiin ang kawalan ng tunay na bargaining power ng maraming manggagawa kapag insecure ang trabaho, kulang ang sahod, at nahahadlangan ang kanilang karapatang mag-organisa.

 

“Demokrasya cannot stop at the ballot box. Dapat may demokrasya rin sa workplace. Kung takot kang mawalan ng trabaho dahil contractual ka, kung kulang ang sweldo para mabuhay nang disente, o kung ang pag-uunyon ay sinasagkaan, napakaliit ng kapangyarihan ng manggagawa sa mga desisyong direktang nakakaapekto sa kanyang buhay,” ani Magtubo.

 

Para sa PM, magkaugnay ang laban kontra political dynasties at korapsyon at ang pagsusulong ng workers’ rights. Kapwa nakasentro ang mga usaping ito sa tanong kung sino ang may kapangyarihan, sino ang may boses, at sino ang nananagot.

 

“Never Again should therefore mean more than never again to Martial Law. It should also mean never again to the concentration and abuse of power, never again to attacks on democratic rights, and never again to a system where workers remain powerless despite creating the country’s wealth,” dagdag ni Magtubo.

 

Sa paggunita ng Setyembre 21, nananawagan ang PM na gawing buhay na bahagi ng pagtatanggol sa demokrasya ang regular at disenteng trabaho, living wage, malayang pag-uunyon at collective bargaining, pananagutan sa korapsyon, at mas malawak na partisipasyon ng mamamayan sa pamamahala.

 

“54 years after Martial Law, malinaw ang hamon: huwag hayaang bumalik ang awtoritaryanismo sa pulitika—at huwag hayaang manatili ang kawalan ng boses at kapangyarihan ng manggagawa sa lugar-paggawa. Manggagawa laban sa diktadura, korapsyon at dinastiya!”

PRESS RELEASE

20 September 2026

 

Friday, September 11, 2026

PM on DOLE’s secret and historic rollback of P85 wage hike



Wage Order No. 28, issued and published by the National Wages and Productivity Commission’s NCR Regional Wage Board today, created more wage confusion rather than hope, the Partido Manggagawa (PM) stated in response. 

 

“Ngayon ay mas maraming dapat ipaliwanag ang nagtatagong Labor Secretary. Ang Wage Order 28 ay historic rollback mula P85 – P60, Sec. Tolentino. Bukod pa sa ito ay sikretong desisyon ng regional wage board na hindi kasali ang manggagawa,” said PM Chairperson Renato Magtubo.

 

Magtubo said the new wage order shames Tolentino to the max as there was no judicious explanation for his retreat other than his kaduwagan (cowardice) against Judge Manongsong.

 

“Nakakahiya dahil nabahag ang buntot ni Tolentino sa harap ni Manongsong kahit napakatibay ng ligal na basehan na dapat ipatupad ng DOLE ang Wage Order 27 sa ilalim ng Labor Code at RA 6727, bukod pa sa nabigo din ang RII Builders at Readycon na mag-post ng P10-B bond para para maging effective ang injunction,” explained the PM leader. 

 

The group likewise insinuated that WO 28 is MalacaƱang’s compromise position with employers as the Labor Secretary acts only in accordance with the position of his boss, President Marcos, Jr. 

 

The result of this cowardice and compromised executive position: “Nadagdagan ang order, pero nabawasan ang wage.” 

 

It is also historic for NCR to get two wage orders, said Magtubo. “Dalawang wage orders na sa NCR, habang ang mga manggagawa sa ibang regions ay nganga at naghihintay sa wala.”

 

For PM, this is not simply a question of whether P60 or P85 is enough. The bigger problem is the system itself.

 

“Ang presyo ng mga produkto ay deregulated, diretso sa merkado sa lahat ng panig ng bansa. Pero ang sweldo, hindi aplikable sa lahat ng rehiyon at pwede pang pakialaman ng Judge,” said Magtubo. 

 

PM called for a comprehensive reform of the wage-setting system toward a mechanism that guarantees regular, timely and substantial wage increases; progressively eliminates unjustifiable regional wage gaps; and moves toward a national minimum wage based on genuine living wage standards.

 

PRESS RELEASE

Partido Manggagawa

11 September 2026

 

Thursday, September 10, 2026

PM TO NWPC: NADAGDAGAN ANG WAGE ORDER, NABAWASAN ANG WAGE—BAGUHIN ANG SISTEMA NG PASAHOD!



As the National Wages and Productivity Commission (NWPC) meets today at the Manila Hotel, Partido Manggagawa (PM) challenged the commission and the Department of Labor and Employment (DOLE) to confront the glaring failures of the country’s regional wage-setting system.

 

“Wage Orders 27 and 28: nadagdagan ang order, pero nabawasan ang wage. Mula P85, naging P60. Hindi rin malinaw kung tuluyan nang nabura sa kasaysayan ang ‘historic’ na Wage Order ni Tolentino,” said PM Chairperson Renato Magtubo.

 

It is also historic for NCR to get two wage orders. “Dalawang wage orders na sa NCR, habang ang mga manggagawa sa ibang regions ay nganga at naghihintay,” Magtubo added.

 

For PM, this is not simply a question of whether P60 or P85 is enough. The bigger problem is the system itself.

 

The regional wage-setting mechanism, the labor leader pointed out, has produced a patchwork of different minimum wages and different schedules of wage adjustments across the country. Workers face rising prices everywhere, yet their wages depend heavily on where they work and when their regional wage board decides to act.

 

“Hindi regional ang gutom. Hindi regional ang pagtaas ng presyo ng pagkain, kuryente, pamasahe at iba pang pangunahing pangangailangan. Bakit regional at watak-watak ang pagtaas ng sahod?” Magtubo asked.

 

PM said the NWPC should use today’s meeting not simply to manage the confusion created by the issuance of two separate wage orders, but to begin reforming the system itself.

 

More importantly, DOLE should lobby Congress for a legislated wage hike instead of relying solely on another round of fragmented regional wage orders. It should also support pending proposals in Congress to amend the wage-setting law and establish a national minimum wage.

 

“Kung aminado ang gobyerno na kailangang habulin ng sahod ang patuloy na pagtaas ng gastos ng mga manggagawa, dapat suportahan ng DOLE ang legislated wage hike. At kung malinaw nang lumilikha ng hindi makatwirang agwat at pagkaantala ang regional wage system, panahon nang suportahan nito ang national minimum wage,” Magtubo said.

 

PM called for a comprehensive reform of the wage-setting system toward a mechanism that guarantees regular, timely and substantial wage increases; progressively eliminates unjustifiable regional wage gaps; and moves minimum wages toward a genuine living wage.

 

PM also warned against treating successive wage orders as proof that the present system is working.

 

“Kung nadagdagan ang wage order pero lumiit naman ang wage increase, hindi ito resolusyon sa problema. At kung dalawang wage orders na sa NCR habang naghihintay pa rin ang ibang rehiyon, malinaw na may problema talaga ang buong sistema,” Magtubo said.

 

The issue before the NWPC today should therefore go beyond the amount of the next wage increase.

 

The group said a fragmented and unequal regional wage-setting system should not be allowed to continue; thus, the government should support a legislated wage hike and a national minimum wage for Filipino workers. 


Partido Manggagawa

10 September 2026