Tuesday, May 21, 2013
Sunday, May 12, 2013
LIBO-LIBONG RIDERS MINARKAHAN ANG MAY 12 BILANG ARAW NG KARAPATAN NG MGA RIDERS
PRESS RELEASE
12 May 2013
Motorcycle Rights Organization (MRO)
Upang ipakita ang
malaking pwersa ng mga tumututol sa panukalang pag-oobliga sa mga riders na
magsuot ng “Vest with Plate Number” sa Lungsod ng Quezon, libu-libong mga
riders ang nagsagawa ng motorcade protest sa pangunguna ng Motorcycle Rights
Organization (MRO) at Motorcycle Advocates of the Philippines (MAP).
Ayon kay Jobert
Bolanos, Tagapangulo ng MRO, “Ang naturang panukala ay “Undue Profiling” at
labag sa karapatang pantao”. “Naniniwala
kami na ang pag-oobliga sa mga rider na pagsusuot ng vest na may plate number
ay hindi totoong makakapagbigay ng solusyon sa lumalalang poblema ng
kriminalidad, bagkus ay makakatulong pa nga ito na makaligtas ang isang
kriminal na makatakas sa kanyang ginawa sa pamamagitan ng simpleng pagpapalit
lamang nito ng vest”. Dagdag pa niya.
Bukod sa MRO, nakiisa
din sa naturang aktibidad ang iba’t ibang mga rider’s clubs at federations sa
NCR, Bulacan, Pampanga, Pangasinan, Bataan, Zambales, Cavite , Laguna, Batangas at iba pang lugar.
Nakiisa din ang mga grupo ng manggagawa sa mula sa Partido ng Manggagawa(PM),
Alliance of Progressive Labor(APL), Worker’s Solidarity Network (WSN), Sentro
ng Progresibong Manggagawa (SENTRO), National Union of Hotel Workers,
Restaurants and Allied Services (NUHWRAIN), Philippine Airlines employees
Association (PALEA) atbp. Bukod sa mga riders, sinuportahan din ng Motorcycle
Dealers Association of the Philippines (MDAP), Underbone and Scooter Racing
Association (USRA), National Racing Association (NRA) at Motorcycle Development
Program Participants Association (MDPPA) na grupo ng mga manufacturers.
“Imbes na aksayahin ng
gubyerno ang pondo ng bayan sa mga walang kuwentang mga panukala, mas nanaisin
naming makita ang kapulisan na seryosong tumugon sa problema ng kriminalidad
tulad ng pag-oorganisa at pagbuhay sa mga “community crime watch”, pagpapataas
ng police visibility at higit sa lahat paglilinis ng sarili nitong bakuran laban
sa mga scalawags sa kanilang hanay na mismong kapural ng mga organisadong
krimen at paglabag sa karapatang pantao.” dagdag pa ni Bolanos.
Nagsimulang
magtipun-tipon ang mga rider’s sa kahabaan ng White Plains Avenue sa Quezon City at nagsagawa ng maikling programa sa tapat ng People Power
Monument . Pagkatapos ay
binaybay nila ang kahabaan ng EDSA, East
Avenue at Pinalibutan ng libu-libung motorsiklo
ang Quezon City Circle .
Pansamantala nilang hinintuan ang tapat ng City Hall upang magsagawa ng
maikling programa at pinangunahan ng mga manggagawa ang pagsususnog ng replika
ng vest na may plate number sa likod bilang simbolo na ang 95% ng mga motorista
ay mga manggagawa ay matndi ang pagtutol at pagkondena sa naturang panukala.
Nagpatuloy ang
motorcade sa kahabaan ng Commonwealth
Avenue at bumalik sa EDSA upang magsagawa ng
maikling programa sa tapat ng Camp
Crame (PNP General
Headquarters) upang ipaabot ang kanilang pagtutol sa punong himpilan ng
pulisya. Dito ay muli silang nagsunog ng replika ng vest with plate
number. Ang naturang motorcade ay
bumalik sa White Plains
upang magsagawa ng pangwakas na programa.
“Isa lang kung
paiikliin ang mensahe ng makasaysayang motorcade na ito, ANG MGA RIDERS AY
HINDI KRIMINAL AT KAMI AY MGA ORDINARYONG MANGGAGAWANG NAGPAPATULO NG PAWIS
PARA MABUHAY SAMPU NG AMING MGA PAMILYA.
Kaya’t huwag naman sana
nilang tapakan ang aming karapatan at dignidad sa pamamagitan ng pag
iimplementa ng mga ganitong klaseng mga patakaran. Ipinakita ng higanteng motorcade na ito ang
tunay naming puwersa na kumakatawan sa mahigit apat na milyong riders sa buong
bansa, puwersang hindi dapat bale walain ng gubyerno at ninuman, pagtatapos ni
Bolanos.
HINDI KAMI KRIMINAL!
Kami ay mga manggagawa na nagpapatulo ng pawis at at dugo
para lamang mabuhay, sampu ng aming pamilya. Kami ay nabubuhay ng malinis at
may dignidad. Kami ang 95 porsyento ng mga mananakay ng motorsiklo na laman ng
kalsada sa araw-araw, gamit namin ang aming motorsiklo upang makapasok sa
trabaho.
Nagmotor kami hindi para gumawa ng kalokohan o krimen, kumuha
kami ng motor dahil nais naming makatipid sa pamasahe at gastusin sa araw-araw.
Kahit hulugan ito ay tinatayga namin itong bayaran buwan-buwan upang makaiwas
sa traffic nating kalsada at makatipid sa oras na siya namang mailalaaan sa
aming mga mahal sa buhay pagkatapos ng mahabang araw ng pagtatrabaho.
Kaya’t panawagan naming mga manggagawa, huwag niyo kaming
iturin na kriminal! Huwag niyo sa amin ipapasan ang kakulangan ninyong mga
autoridad sa pagresolba sa lumalalang krimen sa ating bansa. Sapagkat kami man
ay biktima nito. Nais din namin na
maresolba ang problema ng krimen ngunit hindi sa pamamagitan ng panukala ng
lokal na pamahalaan ng Quezon City at ng Pulisya na pagsuutin kami ng “Vest na
may Plate Number” na malinaw na paglabag sa aming karapatan. Ang panukalang ito
ay hindi mapag-iiba sa ginawa ni Hitler nang tatakan niya ng numero ang mga
hudyo noong kanyang panahon. Ito ay malinaw na “UNDUE PROFILING”.
Ito ang aming panawagan na kabalikat ang mga miyembro ng
Motorcycle Rights Organization (MRO) at iba pang mga grupo. Simula sa araw na
ito, ang aming puwersa, ang puwersa ng manggagawang pilipino ay patuloy na
makikipagkapit bisig sa lahat ng mga mananakay ng motorsiklo na ang nais ay
ipagtanggol ang ating karapatan at dignidad. Walang Iwanan hanggang makamit ang
katarungan, kapayapaan at pagkakapantay-pantay!
Markahan natin ang araw na ito, na sa unang pagkakataon sa
kasaysayan ng ating bansa, sumigaw at lumahok ang mga manggagawa sa laban ng
mga mananakay ng motorsiklo. Sapagkat
ANG LABAN NG MGA RIDERS PARA SA KARAPATAN AY LABAN NG MANGGAGAWANG PILIPINO!
Nilagdaan:
Partido ng Manggagawa
(PM)
Worker’s Solidarity Network (WSN)
Sentro ng Progresibong
Manggagawa (SENTRO),
National Union of Hotel Workers, Restaurants and Allied Services
(NUHWRAIN)
Philippine Airlines Employees Association
(PALEA)
Tuesday, May 7, 2013
Uphold RH law, best gift for Mother’s Day – PM
PRESS RELEASE
7 May 2013
The Partido ng Manggagawa (PM) joined RH
leaders and advocates from the Purple Ribbon for RH to a rally at the Supreme
Court, Padre Faura, Manila . In commemoration of Mothers’ Day on Sunday,
May 12, PM and women’s groups called on the SC justices to heed the call of
mothers and uphold the RH law (RA 10354).
“Ang
pagkaantala ng implementasyon ng RH law ay patuloy na nagiging mitsa ng buhay
ng maraming inang Pilipino. Nananawagan
ang PM sa ating Supreme Court justices na maging bukas sa matagal nang hinaing
ng kababaihan para sa RH, lalung-lalo na ng mga ina. Upholding the RH law is the best gift our SC
justices could give to millions of Filipino mothers this Mothers’ Day,” asserted PM Secretary-General Judy Ann Miranda.
Eleven (11) deaths of women daily
attributed to pregnancy and childbirth complications have increased over the
past decade. The passage of the RH law,
if immediately implemented, would have stepped up the efforts to address the
problem. The status quo ante issued by
the Supreme Court has stalled said process.
PM reiterated that the lives of women
should be the utmost concern in the decision of the Supreme Court on the RH law
rather than the Catholic Church’s disagreement that is not based on the real
needs of women, especially poor and working women.
Wednesday, May 1, 2013
Protest not celebration in response to PNoy’s rebuff—Partido ng Manggagawa
Press Release
May 1, 2013
Protest not celebration is the theme of the Labor Day
commemoration today. Workers groups are dismayed over President Benigno Aquino
III’s rebuff of their demands in a dialogue yesterday.
“Insults instead of non-wage benefits were announced by PNoy
in the dialogue. Workers still have received nothing significant from PNoy
after three Labor Days. Sa ikatlong Mayo Uno ni PNoy, bokya pa rin ang mga
manggagawa,” declared Renato Magtubo, Partido ng Manggagawa (PM) chair.
Hours after the dialogue, more than a hundred PM members
staged a vigil at Mendiola in response to President Aquino’s rejection of labor
concerns. Today several thousand PM members are joining the 25-strong
mobilization of the labor coalition Nagkaisa. The rallyists will assemble
across the length of Espana from Welcome Rotonda to Ramon Magsaysay and then
proceed to Mendiola for the Labor Day program that will last up to noon.
PM members will push the slogan “Manggagawa Naman” as they demand
that workers’ issues be a priority in the national agenda. In particular PM is
advancing its “Apat na Dapat” set of concerns which are regular jobs with
living wages; housing, education and health care services for all; cheaper
prices of food and utilities; and equal rights and opportunity for women.
“We want the mandates of the Constitution—living wages and
full employment—to be implemented by the State,” Magtubo argued. PM criticized
the non-wage benefits as “scraps meant for slaves” and insisted that workers
are “not children that can be pacified with candy.” The group also slammed the
job fairs slated today as a “farce.”
The Labor Day protests are nationwide in scope. In Cebu,
thousands of PM members will unite with the Nagkaisa contingent for a
7,000-strong rally from downtown Colon
to Fuente Osmena. Meanwhile in Bacolod ,
PM will merge with the labor coalition GAWA for a rally at the downtown area.
In Iloilo , PM
will have an assembly of construction workers and then initiate a march to
Plaza Letogay. In Davao ,
PM and Nagkaisa will have a joint protest at Orcullo
Park .
Finally in Iligan, PM will link up with a labor unity rally at the public park.
Several hundred members of the Philippine Airlines
Employees’ Association (PALEA) will also attend the Labor Day rally. Yesterday
they laid wreaths at the foot of Mendiola for Bienvenido Ruiz, an outsourced
Philippine Airlines worker who died of a stroke last Sunday. “The martyrdom of
Bien Ruiz, Antonio Enero, Danny Hernandez, Alfredo Limana and Arturo
Estrada—who all died during the pendency our struggle against
outsourcing—embolden us to fight until victory so that their deaths will not be
in vain,” insisted Gerry Rivera, PALEA president and PM vice chair.
Subscribe to:
Posts (Atom)


