Ang korapsyon ay hindi lang isyung moral (kasakiman), o seasonal (panapanahon), kundi systemic. May sistemang nagsilang nito na nagresulta sa pamamayagpag ng political dynasty at normalisasyon ng patronage politics.
Mula imprastruktura hanggang ayuda, fingerprint ng mga korap na dinastiya ang
makikita. Mula nasyunal hanggang lokal, makapangyarihang mga dinastiya ang
naghahati sa kapangyarihan. Patunay ito na hindi pa nakakamit ng mga Pilipino
ang tunay na demokrasya at kalayaang pinagbuwisan ng buhay nina Gat Andres
Bonifacio at mga bayaning Katipunero.
May luma at bagong paraan ng pandarambong. Mula kolonyalismo, diktadura, at
hilaw na demokrasya - ang kapangyarihan at yaman ng mga ilustrado, diktador, at
modernong dinastiya – ay pareho lamang nakaw mula sa manggagawa at mamamayan.
Kung nagagawa ng mga korap na dinastiya na magnakaw ng trilyones sa kabang
bayan, ito ay dahil pakiramdam nila, tulad din sila ng mga Kastila na kayang
maghari ng 300 taon sa Pilipinas dahil pinapasa lang ang poder at kayamanan sa
mga angkan, kapanalig, at kasabwat. Sa kulungan hind sa gobyerno ang tama
nilang lugar.
Ang resulta: Korapsyon ang naging regular, habang manggagawa ay kontraktwal.
Dagdag sahod ang pinigilan, habang pondo ng bayan ay bumaha sa bulsa ng mga
korap.
Sapat na raw ang P500 para mairaos ng manggagawa ang noche Buena. Habang sa
pamilya ng mga korap ay mansion, luxury cars, air assets, mamahaling alahas,
ari-arian sa abroad, at male-maletang pera na pambili ng karangyaan at boto
para mahalal at muling mahalal.
Ang sistemang ito ay dapat repormahin! Manggagawa ang gawing regular, hindi ang
korapsyon! Legislated wage hike sa manggagawa, hindi legislated kickback sa mga
korap!
Repormahin ang sistemang pampulitika. Dinastiya ang dapat ma-endo, hindi ang
manggagawa! Isabatas ang totohanang anti-dynasty bill!
Totoong kalayaan at demokrasya, hindi dynasty forever! ###

1 comment:
Jeg slet med gjeld og konstant bekymring. Ved hjelp av Agbazara-tempelet og en åndelig kjede jeg fulgte med tro, fant jeg lindring og fred. Jeg er takknemlig for veiledningen og støtten som hjalp meg med å lette denne byrden fra livet mitt. Alle mine store lån ble ettergitt uten at jeg måtte betale dem tilbake. Jeg deler dette vitnesbyrdet med takknemlighet og tro, i håp om at det oppmuntrer alle som føler seg fortapt eller tynget til å søke hjelp via e-post på: 📧 ( agbazara@gmail.com ). og ikke gi opp.
Post a Comment