Photo from Philstar |
Tinuligsa ng grupong Partido Manggagawa (PM) ang wage boards ng Rehiyon 2, 3, at 12 sa “pagpapatuloy ng cheap labor policy” dahil ang kanilang mga minimum wage order ay malayo sa mga hinihingi ng mga manggagawa na P150 dagdag sahod upang maibalik ang kanilang nawalang purchasing power.
Dagdag pa niya, “Nagtatrabaho ang mga tao ngunit nananatiling mahirap. Kung ibabatay sa kalkulasyon na 26 na araw na trabaho kada buwan (kahit na sinasabi ng PSA na ang karaniwang araw ng trabaho ay 22 lamang sa halip na 26), ang mga buwanang minimum wage ay hindi umaabot sa antas ng kahirapan. Alalahanin pa nating kontrobersyal ang poverty threshold dahil sa pagiging labis na mababa.”
Anang grupong PM, ang real wage, o kung ano ang mabibili ng mga manggagawa sa kanilang suweldo, ay hindi tumutugma sa produktibidad ng paggawa. Isang pag-aaral ng gobyerno ang nagpakita na ang real wages ay nananatiling stagnant habang ang produktibidad ay tumaas ng 50% mula 2001-2016. Para kay Miranda, “Kayang magbigay ng mas magandang sahod ang mga kumpanya ngunit ang sistema sa pagtatakda ng sahod ay patuloy na nambabarat sa mga manggagawa.”
Binanggit sa Wage Rationalization Act ang apat (mula sa sampu) na pamantayan tungkol sa isang living wage ngunit ang mga wage order tuwinang nakabatay lamang sa inflation—sa pinakamainam na sitwasyon. “Ang mga minimum wage ay naging isang ceiling, hindi isang floor. Nangangahulugan ito na ginagamit ng mga employer ang minimum wage bilang pinakamataas na handa nilang ialok sa mga manggagawa. Oras na para buwagin ang wage boards,” paliwanag ni Miranda.
New Daily Wage |
Monthly Wage (x22) |
Monthly Wage (x26) |
PSA Poverty Threshold |
|
Region 2 |
480 |
10,560 |
12,480 |
13,400 |
Region 3 |
550 |
12,100 |
14,300 |
16,046 |
Region 12 |
430 |
9,460 |
11,180 |
12,241 |
October 2, 2024
No comments:
Post a Comment