Ang panahon ngayon ay para sa pasagsagip ng buhay. Sa gitna ng pandemya, ang patayan ay walang puwang. Ang ulat sa karumal-dumal na pagpaslang kay Anakpawis Chairperson Randall Echanis, ay nagpapakita na kahit ang Covid-19 ay hindi napigil ang extrajudicial killings na nangyayari sa bansa sa nakalipas na apat na taon.
Nakikiisa ang Partido Manggagawa sa lahat ng sektor na nananawagan ng hustisya sa pagpasalang sa pinuno ng Anakpawis. Sobrang lawak at lalim na ng problema ng bansa sa pagharap sa pandemya para dagdagan pa ng ganitong klase ng karahasan at paglabag sa karapatang pantao. Ang ganitong pangyayari ay nagpapakita rin na ang Pilipinas ngayon ay hindi lang mapanganib sa mabilis na pagkalat ng Covid-19 kundi sa laganap na karahasan kung saan nasasangkot ang mga elemento ng estado.Hangad ng manggagawa ang kabutihan ng lahat sa panahong ito ng krisis. Ang patayan, kung gayon, ay kasamaang dapat matigil at ang mga sangkot sa ganitong krimen ay dapat usigin at managot sa batas
10 August 2020
No comments:
Post a Comment