Press Release
July 28, 2014
Lalahok ang mga manggagawa sa pangunguna ng Partido ng
Manggagawa (PM), unyong PALEA at ang koalisyong Nagkaisa sa kontra-SONA rally
ng mga grupo mamayang hapon. Magmamartsa sila mula sa Tandang Sora hanggang
Batasang Pambansa simula ng ala una ng hapon. Ang chapters ng PM sa Cebu,
Negros, Davao at General Santos
City ay magkakaroon din
ng kahalintulad na pagkilos.
Planong batikusin ng grupong PM ang pananatili ng
ekwalidad sa kabila ng ipinagmamalaki ng administrasyong Aquino na pag-unlad ng
ekonomiya. “Puro salita at walang gawa ang islogan ni PNoy na inclusive growth.
Paano matitikman ng mga manggagawa ang kaunlaran kung ayaw ni PNoy na tutulan
ang kontraktwalisasyon at hinayaan lang ang pagtaas ng presyo ng mga
pangunahing bilihin at mga gastusin gaya
ng kuryente,” paliwanag ni Wilson Fortaleza, tagapagsalita ng PM.
Kaugnay ng kontrobersyal na DAP, panawagan ng grupong PM na maglunsad ng special audit sa mga pinaglalaan ng pondo sa pamamagitan ng isang independent people’s commission kasama ng COA.
Magdadala ang mga miyembro ng grupong PM ng mga
cardboard na numerong “5” upang maging simbolo ng limang taong kawalang aksyon
ng administrasyon ni Aquino sa mga kahilingan ng manggagawa. “Sa ika-5 SONA ni PNoy, busabos pa rin ang mga boss. Sa
ika-5 SONA ni PNoy, walang naituwid na patakaran at walang naitawid mula sa
kahirapan,” pagdidiin ni Fortaleza .
No comments:
Post a Comment