Ang tunay na sukatan ng diumanong sistema ng hustisya sa bansa ay hindi ang pagtatapos ng kasong pandarambong ni Erap Estrada kundi ang pagsisimula ng paglilitis kay Gloria Arroyo para sa mas masahol na mga krimen. Sabihin mang sarado na ang kaso ni Erap, nananatili namang bukas ang kwestyon sa legitimacy ni Gloria.
Ang kaso ni Erap ay malinaw na isang political trial. Kaya’t pampulitikang interes ang nangungunang konsiderasyon sa pagpapasya ng diumano’y independyenteng korte. Hindi lamang ang rehimeng Estrada ang nililitis kundi ang mismong kapalaran ng gobyernong Arroyo. Mangmang ang magsasabihing nanaig ang hustisya sa kaso ni Estrada sapagkat ang numero unong kinunsidera sa hatol na guilty ay ang kinabukasan ng ilegal na rehimen ni Arroyo.
Ang kailangan ng gobyerno ay hatol na “guilty” sapagkat kung “not guilty” ang naging desisyon ng korte tiyak na mabubuhay muli ang mga tanong sa pag-akyat ni Gloria sa kapangyarihan noong 2001 at iinit muli ang usapin ng pandaraya sa eleksyong 2004.
Kung tutuusin mas mabigat kaysa sa hatol ng Sandiganbayan ang paghuhusga ng taumbayan noong Edsa Dos at sa nabigong Edsa Tres. Sa parehong pangyayari sa kasaysayan, hinusgahan ng taumbayan ang nakaupo sa poder—si Erap noong Enero 2001 at si Gloria noong Mayo 2001.
Aalukin ng kompromiso—gaya ng pardon at amnesty—ng gobyernong Arroyo ang kampo ni Estrada para siguruhing hindi maghihiganti ang mga tagasuporta ng dating pangulo. Ngunit walang idudulot na pundamental na pagbabago sa buhay ng manggagawa at maralita ang pangyayaring ito.
Sa araw ng paghahatol ay nahigop ng kaso ni Estrada ang interes ng manggagawa’t maralita. Ngunit ito ay isang araw lamang sa hirap na buhay ng aping masa na hindi binibigyang atensyon ng mas midya.
Ang paghuhumiyaw ng dalawang kampo—kesyo tagumpay o kabiguan ito ng hustisya—ay madaling malilimutan nating mahihirap sapagkat tayo ay nakakaranas ng mas matinding inhustisya sa bawat araw ng ating buhay. Bago tayo makidalamhati kay Erap sa kanyang kapalaran, kaawaan muna natin ang kalagayan ng ating uri sa dinaranas nating pagdarahop at pagsasamantala.
Hindi malulutas o mapapagaan ng hatol ng Sandiganbayan ang kahirapan, kagutuman at panunupil na dinaranas ng mga Pilipino sa anim na taon matapos na patalsikin si Erap at maghari si Arroyo sa bansa. Kung may mapupulot sa naganap na paghahatol, walang iba ito kundi ang aral ng kasaysayan na ang totoong pagbabago ay hindi makukuha sa simpleng pagpapalit lamang ng pangulo. ###