Thursday, April 27, 2023

MEDIA ADVISORY: MARALITA NG BULACAN MAGPOPROTESTA BUKAS SA NHA-BULACAN

MEDIA ADVISORY

Partido Manggagawa

Alyansa ng Maralitang Pilipino

27 April 2023

Contact:

Ver Estorosas

PM/AMP – Bulacan

09423690337

 

Request for coverage

 

MARALITA NG BULACAN MAGPOPROTESTA SA NHA-BULACAN

 

WHEN:  April 28, 2023

TIME:    9:00 AM

PLACE:  NHA-Bulacan

Address: Evenezer School Quirino Hiway Barangay Sto.Cristo San Jose del Monte, Bulacan

 

Nakatakdang magprotesta bukas sa tanggapan ng National Housing Authority (NHA) sa Bulacan ang mga residenteng naninirahan sa tinatawag na danger zone o mga lugar sa tabing ilog at pangpang.

 

Ito ay upang makipagdayalogo sa mga opisyal ng NHA na 2017 pa umano nangako sa kanila kaharap mismo ang dalawang Gobernador ng lalawigan ng Bulacan na haharapin ang kanilang kalagayan subalit hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari sa lilipatang pabahay.

 

Hiling nila ang agarang aksyon para dito para mailipat na sila mula sa panganib lalo na sa parating na panahon ng mga bagyo at tag-ulan. ###

No comments: