Tuesday, May 26, 2026

May baon bang pagbabago si Secretary Tolentino?



Dahil ang pinalitan niyang Kalihim sa Department of Labor and Employment ay hindi malapit sa manggagawa at hindi rin maganda ang performance, ang inaasahan na kapalit ay mas maayos, kundi man kabaliktaran. 

 

Prerogative ng Pangulo ang pagpili nang kanyang alter-ego at pinuno sa mga departamento at ahensya ng pamahalaan. Walang say dito ang manggagawa, kung kaya’t ang pagsalubong sa bagong talagang Kalihim ay sa paraan ng paghamon namin gustong idadaan.

 

Ang hamon ay kung may baon bang pagbabago si Sec. Tolentino sa DOLE? Ito ang nais naming marinig sa kanyang unang araw sa tanggapan. 

 

Nakabinbin ngayon ang mga panukalang batas sa Kongreso para sa P200 dagdag-sahod at panukalang abolisyon ng provincial rate. Kasabay nito ay nakahain din sa regional wage boards ang mga petisyon wage hike mula P200 hanggang P1,200. Nariyan pa rin ang problema sa endo at mga hadlang sa malayang pag-uunyon.

 

Kaya ba ng bagong Kalihim na ang mga ito ay itulak at pabilisin? 

 

Sa harap ang kasalukuyang krisis ay tumataas din ang ang unemployment rate kaya mahalagang agenda ang job creation, kabilang ang green jobs kung saan lead agency ang DOLE, at reporma sa public employment program.

 

Mahirap na trabaho ang magbalanse ng interes ng manggagawa at kapitalista. Pero bilang abogado ay alam dapat ni Secretary Tolentino na sa usapin ng social justice, mas matimbang ang kapakanan ng paggawa kaysa sa tubo ng negosyo. Ito ang mas mahalaga sa manggagawa, dahil dito nagsisimula ang tama at unang hakbang ng isang pinuno.

 

PRESS STATEMENT

Partido Manggagawa

26 May 2026

Monday, May 25, 2026

Hustisya para sa mga manggagawang biktima ng pagguho ng gusali

 

Photo from Bureau of Fire Protection Central Luzon

Kinokondena ng Partido Manggagawa sa Central Luzon ang naganap na trahedya ng pagguho ng itinatayong gusali sa bahagi sa Pampanga kung saan dalawa na ang kumpirmadong patay.

 

Ayon sa huling mga ulat, 26 pa lamang sa mahigit 40 katao na pinaniniwalang na-trap sa gumuhong gusali ang na-rescue. 

 

“Malinaw na may pananagutan dito ang may-ari, kontraktor, DOLE, at maging ang lokal na pamahalaan, dahil ito ay malinaw na kapalpakan, bukod sa kapabayaan sa occupational health and safety (OSH) standard na dapat pinaiiral sa lahat ng workplace, lalo na sa construction sites,” pahayag ni Ver Estorosas, tagapangulo ng Partido Manggagawa sa Bulacan. 

 

Pangunahin aniyang layunin ng OSH law na pigilan ang workplace accidents sa manggagawa kaya nangangahulugan ito ng regular na inspeksyon lalo na mga construction sites.

 

Dapat magkatulong ang DOLE at LGUs sa enforcement ng OSHS standards sa kanilang nasasakupan dahil ang aksidente ay palaging risko sa construction sites. 

 

“Pero kung parehong natutulog sa pansitan, ang kapahamakan ng manggagawa ay palaging naisusugal,” dagdag pa ni Estorosas.

 

Nananawagan din ang PM sa mabilisang imbestigasyon sa naging sanhi ng aksidente, gayundin sa agarang medikasyon at kompensasyon para sa mga biktima. 

 

Nangangamba rin ang grupo na kung walang SSS coverage ang construction workers dito, na siyang kalakaran sa industriya, hindi sila masasaklaw ng benepisyo ng Workmen’s Compensation Act. 

 

“Ang kawalan ng SSS at iba pang benipisyo ng manggagawa sa konstruksyon ay dagdag na pananagutan sa batas ng mga employer,” diin ni Estorosas.

PRESS STATEMENT

Partido Manggagawa-Bulacan

25 May 2026

Friday, May 22, 2026

PM Suportado ang Panawagang ₱200 Dagdag-Sahod sa NCR

 


Suportado ng Partido Manggagawa (PM) ang petisyon ng Kapatiran ng mga Unyon at Samahang Manggagawa o Kapatiran para sa ₱200 dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR), kasabay ng panawagan sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board na agarang aksyunan ito sa harap ng tumitinding krisis sa kabuhayan. 

 

Sa harap ito ng isinagawang public consultation ng NCR Regional Wage Board kaugnay ng mga petisyon sa dagdag sahod.

 

Ayon sa PM, ang hinihinging dagdag-sahod ay hindi luho kundi kinakailangang hakbang upang maibalik ang nawalang halaga ng sahod dahil sa mabilis na pagtaas ng presyo ng langis, pagkain, kuryente, at pamasahe bunsod ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.

 

“Ang ₱200 wage hike ay hindi sobra. Ito ay pagbawi lamang sa nawalang halaga ng sahod ng manggagawa matapos ang sunud-sunod na taas-presyo. Nagkaputukan sa Middle East, nagtaasan ang presyo sa Pilipinas, pero ang minimum wage earners ay pinabayaang magtiis,” pahayag ni Renato Magtubo, chairperson ng Partido Manggagawa. 

 

“Under attack ang kabuhayan ng manggagawa kaya dapat mabilis ang tugon ng wage board. Kapag mabilis tumaas ang presyo, dapat mabilis din ang dagdag-sahod.”

 

Ipinaliwanag ng PM na ang kasalukuyang minimum wage na ₱695 sa NCR ay hindi na sapat upang tugunan ang araw-araw na gastusin ng isang pamilyang manggagawa. Batay sa consumer price index (CPI) ng NCR na nasa 131.2 noong Abril, bumagsak na sa humigit-kumulang ₱530 ang tunay na halaga ng minimum wage, katumbas ng mahigit ₱165 wage loss kada araw. Dagdag pa rito, tinatayang mahigit ₱1,200 kada araw ang kinakailangan ng isang pamilyang may limang miyembro upang mabuhay nang disente sa NCR.

 

Binigyang-diin din ng Partido Manggagawa na ang pagtaas ng sahod ay hindi lamang usapin ng social justice kundi isang makatuwirang patakarang pang-ekonomiya. Anila, ang mas mataas na kita ng manggagawa ay direktang napupunta sa konsumo tulad ng pagkain, transportasyon, edukasyon, at iba pang pangunahing pangangailangan, na nagpapalakas sa lokal na negosyo at ekonomiya. “Ang manggagawa ay hindi lamang producer kundi konsyumer din. Kapag may kakayahan silang gumastos, umiikot ang ekonomiya, lumalago ang negosyo, at dumarami ang trabaho,” ani Magtubo.

 

Sa huli, nanawagan ang Partido Manggagawa sa wage board na dinggin ang hinaing ng milyun-milyong manggagawa at ipagkaloob ang ₱200 dagdag-sahod bilang makatarungan at agarang tugon sa krisis sa kabuhayan. “Hindi limos ang hinihingi ng manggagawa. Ang hinihingi niya ay living wage na nakasaad mismo sa Konstitusyon—isang sahod na magbibigay dignidad sa kanyang buhay at sa kanyang pamilya,” pagtatapos ni Magtubo.

Photos at https://www.facebook.com/partidomanggagawa/posts/pfbid0M9Z9hJdzjb9koxNBL4jbFoGxFVHKHQBADZS5Qno4MfnxV6JgLK8g9d1J9q9EgB6pl


PRESS RELEASE

Partido Manggagawa 

22 May 2026

Monday, May 11, 2026

Reforms along with impeachment—Partido Manggagawa

The House of Representatives, by an overwhelming vote of 255, has impeached Vice President Sara Duterte. For the second time, the Senate is obligated to convene as an impeachment court and place the impeached official on trial. Walang lusot dito—sino mang liderato man ang maupo sa Senado.


But if the recent Senate coup was engineered precisely to delay or derail this process, including shielding political allies from accountability such as the ICC issue, then it only exposes a deeper institutional crisis. Lalabas na hindi lamang si Sara Duterte ang dapat sumailalim sa paglilitis—kailangan din ng Senado na maglinis ng sarili. An institution that evades accountability loses the moral authority to judge others.


The same challenge applies to the House of Representatives. Hindi dapat matapos sa impeachment ang usapin ng pananagutan. Kung seryoso ang Kamara sa “self-cleansing,” kailangan nitong ipasa ang Anti-Political Dynasty Bill, ang mga nakabinbing P200 wage hike bill, at ang abolition of provincial wage rates na matagal nang nagpapahirap sa manggagawa. At marami pang ibang mahalagang social legislation.


Sayang ang impeachment kung hindi matutuloy at kung walang kasabay na reporma.


Accountability without structural change risks becoming mere spectacle.


Ang tunay na paglilinis ng gobyerno ay hindi lang pagpapanagot sa indibidwal na opisyal kundi pagwawasto din sa mga problemang istruktural katulad ng dinastiya, katiwalian, at anti-poor policies.

MEDIA STATEMENT

Partido Manggagawa

Wednesday, May 6, 2026

ANG BALIKATAN AY PREPARASYON SA DIGMAAN: Stop Turning the Philippines into a Platform for War

 


Partido Manggagawa (PM) condemns the firing and strategic deployment of US Typhon missiles on Philippine soil under the Balikatan military exercises, warning that these war drills only heighten unnecessary tension in the region and further drag the Philippines into the dangerous rivalry of hegemonic global powers.

 

Linawin natin: Ang Balikatan ay preparasyon sa Digmaan. Hindi ito pre-Olympic games o PE sa mga paaralan. 

 

The Filipino people do not need preparation for proxy wars. What the country urgently needs is a real war against poverty and inequality, price shocks, and unemployment.

 

Ayuda at dagdag sahod, hindi giyera. Kooperasyon, hindi agresyon. Pagkain, hindi armas.

 

The ongoing US-Israel war of aggression against Iran has already shown the world the terrible consequence of militarism – death, destruction, economic disruption, and global price shocks. It is deplorable to invite more regional conflict. Never at our doorstep.

 

Wars benefit arms manufacturers and geopolitical interests, while ordinary people, including workers in soldier’s uniform, bear the burden of inflation, displacement, and destruction. It is because war is a wasteful enterprise funded by taxpayers.

 

In the face of broken federal healthcare, education, and shelter programs, American taxpayers are made to pay for the Typhoon missiles fired from Tacloban to Nueva Ecija, the war budget of Israel, the defense of allied states in Europe, the Middle East and Asia, as well as the maintenance of more than 800 military bases with tens of thousands of US troops worldwide.

 

The world’s people pay a heavy price for wars and conflicts not of their own making. So will Filipinos, once their leaders chose to align with any camp of contending superpowers.

We reiterate our call for demilitarization of the West Philippine Sea: China at US parehong umatras!

 

Only under this condition that explosive territorial disputes do not develop and escalate into shooting wars.

 

Enough of wars! Enough of war drills! Enough of war freak leaders!

 

Funds wasted on weapons and military exercises are better used for universal healthcare, education, public employment, social protection, and comprehensive anti-poverty programs. War preparedness contributes nothing to human development.

Lastly, the Philippines must uphold an independent foreign policy anchored on peace, diplomacy, regional cooperation, and the welfare of its people – not subservience to the military and economic agenda of powerful nations. 

PRESS STATEMENT

05.06.2026