Sunday, May 12, 2013


PAHAYAG NG MANGGAGAWANG PILIPINO PARA SA KARAPATAN NG MGA RIDERS

HINDI KAMI KRIMINAL!

Kami ay mga manggagawa na nagpapatulo ng pawis at at dugo para lamang mabuhay, sampu ng aming pamilya. Kami ay nabubuhay ng malinis at may dignidad. Kami ang 95 porsyento ng mga mananakay ng motorsiklo na laman ng kalsada sa araw-araw, gamit namin ang aming motorsiklo upang makapasok sa trabaho.

Nagmotor kami hindi para gumawa ng kalokohan o krimen, kumuha kami ng motor dahil nais naming makatipid sa pamasahe at gastusin sa araw-araw. Kahit hulugan ito ay tinatayga namin itong bayaran buwan-buwan upang makaiwas sa traffic nating kalsada at makatipid sa oras na siya namang mailalaaan sa aming mga mahal sa buhay pagkatapos ng mahabang araw ng pagtatrabaho.

Kaya’t panawagan naming mga manggagawa, huwag niyo kaming iturin na kriminal! Huwag niyo sa amin ipapasan ang kakulangan ninyong mga autoridad sa pagresolba sa lumalalang krimen sa ating bansa. Sapagkat kami man ay biktima nito.  Nais din namin na maresolba ang problema ng krimen ngunit hindi sa pamamagitan ng panukala ng lokal na pamahalaan ng Quezon City at ng Pulisya na pagsuutin kami ng “Vest na may Plate Number” na malinaw na paglabag sa aming karapatan. Ang panukalang ito ay hindi mapag-iiba sa ginawa ni Hitler nang tatakan niya ng numero ang mga hudyo noong kanyang panahon. Ito ay malinaw na “UNDUE PROFILING”.

Ito ang aming panawagan na kabalikat ang mga miyembro ng Motorcycle Rights Organization (MRO) at iba pang mga grupo. Simula sa araw na ito, ang aming puwersa, ang puwersa ng manggagawang pilipino ay patuloy na makikipagkapit bisig sa lahat ng mga mananakay ng motorsiklo na ang nais ay ipagtanggol ang ating karapatan at dignidad. Walang Iwanan hanggang makamit ang katarungan, kapayapaan at pagkakapantay-pantay!

Markahan natin ang araw na ito, na sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng ating bansa, sumigaw at lumahok ang mga manggagawa sa laban ng mga mananakay ng motorsiklo.  Sapagkat ANG LABAN NG MGA RIDERS PARA SA KARAPATAN AY LABAN NG MANGGAGAWANG PILIPINO!

Nilagdaan:

Partido ng Manggagawa (PM)
Alliance of Progressive Labor(APL)
 Worker’s Solidarity Network (WSN)
Sentro ng Progresibong Manggagawa (SENTRO),
National Union of Hotel Workers, Restaurants and Allied Services (NUHWRAIN)
 Philippine Airlines Employees Association (PALEA)



2 comments:

Anonymous said...

Thankѕ for everу other informative wеb ѕite.
Where else may just ӏ am getting thаt type
of informatiοn wгіtten in such an ideal mеanѕ?

Ι havе a miѕsiоn thаt I'm just now operating on, and I've bеen at the looκ out fοг such
infο.

mу wеb pаge :: hcg diet

anjalimehtus said...



H1B consultants in Bangalore are documented for h1b visa process for the candidate round the India, we've got several guys operating in USA went through us to united states of America and with the assistance people H1B work Visa H1b consultants in Bangalore consultants Bangalore they need designed their career and leading a effective life. obtaining H1b work visa is not so powerful job if you consult U.S.A. at any time.