Sunday, May 12, 2013

LIBO-LIBONG RIDERS MINARKAHAN ANG MAY 12 BILANG ARAW NG KARAPATAN NG MGA RIDERS




PRESS RELEASE
12 May 2013
Motorcycle Rights Organization (MRO) 

Upang ipakita ang malaking pwersa ng mga tumututol sa panukalang pag-oobliga sa mga riders na magsuot ng “Vest with Plate Number” sa Lungsod ng Quezon, libu-libong mga riders ang nagsagawa ng motorcade protest sa pangunguna ng Motorcycle Rights Organization (MRO) at Motorcycle Advocates of the Philippines (MAP).

Ayon kay Jobert Bolanos, Tagapangulo ng MRO, “Ang naturang panukala ay “Undue Profiling” at labag sa karapatang pantao”.  “Naniniwala kami na ang pag-oobliga sa mga rider na pagsusuot ng vest na may plate number ay hindi totoong makakapagbigay ng solusyon sa lumalalang poblema ng kriminalidad, bagkus ay makakatulong pa nga ito na makaligtas ang isang kriminal na makatakas sa kanyang ginawa sa pamamagitan ng simpleng pagpapalit lamang nito ng vest”. Dagdag pa niya.

Bukod sa MRO, nakiisa din sa naturang aktibidad ang iba’t ibang mga rider’s clubs at federations sa NCR, Bulacan, Pampanga, Pangasinan, Bataan, Zambales, Cavite, Laguna, Batangas at iba pang lugar. Nakiisa din ang mga grupo ng manggagawa sa mula sa Partido ng Manggagawa(PM), Alliance of Progressive Labor(APL), Worker’s Solidarity Network (WSN), Sentro ng Progresibong Manggagawa (SENTRO), National Union of Hotel Workers, Restaurants and Allied Services (NUHWRAIN), Philippine Airlines employees Association (PALEA) atbp. Bukod sa mga riders, sinuportahan din ng Motorcycle Dealers Association of the Philippines (MDAP), Underbone and Scooter Racing Association (USRA), National Racing Association (NRA) at Motorcycle Development Program Participants Association (MDPPA) na grupo ng mga manufacturers.  

“Imbes na aksayahin ng gubyerno ang pondo ng bayan sa mga walang kuwentang mga panukala, mas nanaisin naming makita ang kapulisan na seryosong tumugon sa problema ng kriminalidad tulad ng pag-oorganisa at pagbuhay sa mga “community crime watch”, pagpapataas ng police visibility at higit sa lahat paglilinis ng sarili nitong bakuran laban sa mga scalawags sa kanilang hanay na mismong kapural ng mga organisadong krimen at paglabag sa karapatang pantao.” dagdag pa ni Bolanos.
Nagsimulang magtipun-tipon ang mga rider’s sa kahabaan ng White Plains Avenue sa Quezon City at nagsagawa ng maikling programa sa tapat ng People Power Monument. Pagkatapos ay binaybay nila ang kahabaan ng EDSA, East Avenue at Pinalibutan ng libu-libung motorsiklo ang Quezon City Circle. Pansamantala nilang hinintuan ang tapat ng City Hall upang magsagawa ng maikling programa at pinangunahan ng mga manggagawa ang pagsususnog ng replika ng vest na may plate number sa likod bilang simbolo na ang 95% ng mga motorista ay mga manggagawa ay matndi ang pagtutol at pagkondena sa naturang panukala.

Nagpatuloy ang motorcade sa kahabaan ng Commonwealth Avenue at bumalik sa EDSA upang magsagawa ng maikling programa sa tapat ng Camp Crame (PNP General Headquarters) upang ipaabot ang kanilang pagtutol sa punong himpilan ng pulisya. Dito ay muli silang nagsunog ng replika ng vest with plate number.  Ang naturang motorcade ay bumalik sa White Plains upang magsagawa ng pangwakas na programa.

“Isa lang kung paiikliin ang mensahe ng makasaysayang motorcade na ito, ANG MGA RIDERS AY HINDI KRIMINAL AT KAMI AY MGA ORDINARYONG MANGGAGAWANG NAGPAPATULO NG PAWIS PARA MABUHAY SAMPU NG AMING MGA PAMILYA.  Kaya’t huwag naman sana nilang tapakan ang aming karapatan at dignidad sa pamamagitan ng pag iimplementa ng mga ganitong klaseng mga patakaran.  Ipinakita ng higanteng motorcade na ito ang tunay naming puwersa na kumakatawan sa mahigit apat na milyong riders sa buong bansa, puwersang hindi dapat bale walain ng gubyerno at ninuman, pagtatapos ni Bolanos.

1 comment:

Anonymous said...

However, a ѕtudy was done where thе same amounts of cаffeine
in their herbal ρгeparatіons, so yоu never know whаt you're taking, and make this a routine. How to Take Green Tea? Camellia Sinensis is one of the most common reasons involves eating too much of that is bad for your weight loss pills that work body. If you ask a woman about her list of goals, weight loss. S Food and Drug Administration revealed that long-term use of fat-blocking pills is likely to be placed first because of their accessibility and quick results.

my web blog; pure green coffee extract