Mali ang Pasig RTC sa paglalabas ng TRO laban sa
implementasyon ng P85 wage hike dito sa NCR. Bukod sa labag ito sa Labor Code,
wala rin itong katwiran.
Magkakaroon lamang ng katwiran ang TRO ni Judge
Manongsong kung naka TRO din ang presyo ng mga bilihin.
May system loss na nga sa kuryente, pati sweldo ay
gusto pa yatang ipa- system loss ni Judge.
Isusubo na lang nawala pa. Wages delayed are wages
denied.
Ang alam lang yata ni Judge ay ang karapatan ng lahat,
kabilang ang employer na tumakbo sa korte anumang oras. Ang hindi niya kabisado
ay hindi pwedeng takbuhan ng employer ang pananagutan sa sahod ng mga
manggagawa.
PRESS STATEMENT
Partido Manggagawa
30 July 2026
No comments:
Post a Comment