Wednesday, August 16, 2017

Iloilo truck drivers on strike


Iloilo City – After failing to settle through mediation the dispute between the Iloilo ARR Enterprises Labor Organization (IARRELO) and the management of ARR Trucking, the former decided to hold a union strike lamenting union busting and unfair labor practice.  This after what started to be a peaceful labor union formation by drivers of ARR Enterprises and their subsequent submission of a proposal for Collective Bargaining Agreement (CBA) to the ARR management was met with harsh consequences.

            While the CBA negotiations were proceeding, ARR management dismissed the Union President, Mr. Elmer Blancaflor and the Union Secretary,Mr. Wilson Amatac, on a flimsy claim of redundancy by transferring their respective truck units to another province of operation of ARR.

            This prompted the filing of an Illegal Dismissal case, Unfair Labor Practice and Union busting against ARR management with the NLRC and a Notice of Strike at the NCMB.

            “Indi nagid ni ya ensakto ang ubra ka management. Nagpungko pa kami para maistoryahan ang amon CBA, tapos gulpi lang wala na kami ya unit kag hambalon nga redundant na kami sang akon Sekretaryo”, lamented Elmer Blancaflor, IARRELO President.

            Blancaflor was optimistic that their proposed CBA will be granted by the management since every negotiation between them and the ARR management, the atmosphere is cordial and all are amenable to the suggestion of each other.

            “Nakibot lang kami nga pitik sintas, wad-an kami ya ubra.  Nga kabalu gid sila nga union officers kami kag gapungko pa sa negotiating panel sang Unyon sa CBA negotiation,” said Union Secretary Wilson Amatac.

            With the seven (7) days cooling off period expiring without a clear settlement after NCMB personnel mediated between the parties, IARRELO is now set to put up the strike.

            “Ang katapusan namon nga alatrasan, strike na gid lang. Indi man tani namon ini luyag himuon apang kun amo ini ang pamaagi nga mapalab-ot namon sa mga natungdan ang amon problema, pasensya sa maapektuhan. Indi kami magpasugot, bilang mamumugon, nga basta lang lapakon ang amon kinamatarung kag pagkatawo”, declared Blancaflor.

           The Partido Manggagawa (PM), which has been assisting IARRELO, declared its full support to the decision of the Union to stage a strike.


            “Kun kinahanglan sang mamumugon nga manindugan kag maghulag para pamatukan ang mga kalakaran sa sulod sang ulubrahan nga nagapakanubo sang ila pagkatawo kag nagalapas sang ila kinamatarung bilang mamumugon, ang PM handa, sa ano man nga pamaagi, para suportahan ini”, concluded Mario Andon of Partido Manggagawa (PM).  

August 16, 2017

Wednesday, August 2, 2017

Mga riders pumalag sa panukalang bigger license plate sa mga motorsiklo


Daan-daang motorcycle riders mula sa Bulacan, at ibat-ibang asosasyon sa Metro Manila ang nagmotorcade patungong Senado ngayong umaga para iprotesta ang pagkakapasa ng Senate Bill No. 1397 o ang Motorcycle Crime Prevention Act na inakda ni Senator Richard Gordon.  Ito raw ay para masawata ang laganap na ‘riding in tandem’ crime.
 
Tinawag nila ang kilos-protesta na “Tindig Rider Laban sa Double Big License Plate”.  Magsasagawa umano sila ng susunod pang mga aksyon sa darating na mga araw.
 
Nakakabit sa motorsiklo ng mga nagpoportestang mga rider ang mga plakard na hugis oversized plates ang kanilang mga saloobin kaugnay ng panukala.  

Kalakhan umano ng mga rider ay mga manggagawa na gamit ang motorsiklo hindi sa krimen kundi sa lehitimong paghahanapbuhay sa pormal at impormal na sektor.  Gamit din aniya ito ng kanilang mga pamilya para sa mabilis at ekonomikong moda ng transportasyon.
 
Ang panukala, kapag naging ganap na batas, ay nag-uutos sa LTO at sa mga may-ari ng motorsiklo at scooter na palitan ang kasalukuyang plaka ng over-sized license plate na mababasa sa distansyang 12 at 15 metro.
 
Ayon kay Robert Perillo, Pangulo ng Bulacan Motorcyle Rider Confederation (BMRF), may halong diskriminasyon ang panukala ni Gordon dahil lahat ng rider ay pinagdududahang kriminal o kaya ay maaring maging kriminal sa simpleng dahilan na motorsiklo ang gamit nilang sasakyan.
 
Paglilinaw pa ni Perillo, ang mga riders ay laban din sa mga kriminal na salot sa lansangan at sa buhay ng mamamayan, pero hindi aniya tama na ang criminal activities ng iilan ay maging pabigat sa mas nakararami. Mas makabubuti aniya na katulungin ng pulisya at LGUs ang organisadong hanay ng mga riders laban sa krimen kaysa gawin silang palagiang suspek sa bawat krimeng nagaganap sa kani-kanilang mga lugar.
 
Naniniwala ang grupo na hindi solusyon ang malalaking plaka sa pagsugpo sa street killings dahil ang kriminal umano ay madaling mag-adap sa bagong sitwasyon lalo na kung alam nila na madali nila itong malulusutan.
 
Magiging pabigat din umano ang gastusin sa mga bagong plaka na ito dahil ang malaking plaka ay mas mahal, bukod pa sa mahal na mga penalties sa violations sa ilalim ng panukala na lahat ay kakarguhin ng mga rider.
 
Humihilling din ang grupo ng mga riders ng pakikipag-usap sa mga kinauukulan upang maipaliwanag nila ang kanilang panig kaugnay ng panukala.
 
Naipasa umano sa third at final reading ang panukalang ito sa senado na wala silang kamuwang-muwang, hindi nakonsulta, at hindi man lang nahingan ng kanilang pananaw.

Motorcycle Rights Organization
2 August 2017