Saturday, December 27, 2025

NAGKAISA Hails OSG Stand on PhilHealth

NAGKAISA Convenor and PM Secretary General Judy Ann Miranda said: “The new OSG is sharp. She very well know that you can’t reverse a clearly unconstitutional act—kahit first-year law student makikita ’yan. Kahit gaano pa kataas ang opisyal di pweding baliwalain ang ating mga batas.”

The country’s largest labor coalition, NAGKAISA, welcomed the decision of the Office of the Solicitor General (OSG) not to seek reconsideration of the Supreme Court ruling that struck down the questioned PhilHealth fund transfer.

“The Constitution is not a suggestion—it is the supreme law,” NAGKAISA Chair Sonny Matula of FFW said. “The Supreme Court simply upheld constitutional supremacy and the rule of law. No matter how noble the intention or how lofty the office, everyone must bow to the mandate of the fundamental law.”

NAGKAISA Chair said the OSG’s stance reflects institutional discipline under the leadership of Solicitor General Darlene Marie Berberabe, noting that “a Solicitor General who brings the sharpness of a UP law professor and a well grounded public servant  is exactly what constitutional governance requires—hindi nadadaan sa ‘good intentions’ kapag malinaw na bawal sa Saligang Batas.”

Affiliates of NAGKAISA—some of whom are among the petitioners—stressed that the issue is not politics or ‘bashing,’ but constitutional limits that cannot be crossed.

The coalition noted that the Supreme Court ruled Department of Finance Circular No. 03-2025, issued by then-DOF Secretary Ralph Recto, to be unconstitutional. In a decision penned by Associate Justice Alma Consuelo M. Lazaro-Javier and unanimously concurred in by all the Justices, the Court held that Recto usurped the President’s exclusive authority to transfer funds, in direct violation of Article VI, Section 25(5) of the Constitution. The Court further ruled that the circular violated the Universal Health Care Act and applicable special tax laws governing PhilHealth.

NAGKAISA also belied as hollow attempts to frame the controversy as mere political persecution, following remarks attributed to Batangas Governor Vilma Santos suggesting that critics were only targeting the Rectos because they are in power.

“That line is hollow,” NAGKAISA Convenor and SENTRO Deputy Secretary General Nice Coronacion said. “This is not about fame, family, or power. This is about a constitutional red line. You are not criticized for being in power—you are criticized for acting as if you are above the law.”

“The Rectos may be high and powerful,” the coalition added, “but they are not above the Constitution.”

NAGKAISA concluded that the ruling protects PhilHealth members—especially workers—because PhilHealth funds are public trust funds that must be managed strictly in accordance with law.

NAGKAISA

FOR IMMEDIATE RELEASE

27 December 2025

Monday, December 8, 2025

Dapat parehong happy--Kapatiran

The Kapatiran ng mga Unyon at Samahang Manggagawa (Kapatiran) finds it unfair seeing the salaries of soldiers and all uniformed service personnel increasing by 15% in the next three years, while workers in the private sector were left stretching a P500 noche-buena package this holiday season.

“While Kapatiran is not against raising the salaries of our security personnel, leaving the private sector workers stretching out their current low wages under the same economic condition faced by soldiers’ families is simply unfair,” said Kapatiran Chair Rey Almendras.

He added that “Hindi man kayang gawing pantay ang sahod ng manggagawa sa sektor ng seguridad at sektor ng ekonomiya, huwag namang happy ang sa government side kahit may problema sa korapsyon, habang sad ang nasa private sector na ang kaunting wage hike ay saglit lang kinakain ng implasyon.”

Kapatiran has been asking for a wage increase for wage recovery of not less than P100 since 2024, both at the regional wage board levels and in Congress for a legislated wage hike.

Private sector workers could have been happier if alongside the Palace announcement of a pay hike for soldiers is a Presidential certification to expedite passage of pending legislated wage hike bills.

Inflation-adjusted wages were 19.7%-26.1% lower than the current minimum wage in November, according to the latest computations prepared by Business World. In peso terms, the current minimum wage of P695 in NCR has a real value of P546.71 only.

Multiplied by 22 days, a private sector worker in NCR receives P15,290 of minimum wage in a month. On the other hand, the basic salary for an entry level member of PNP is P29,668.

Yet both live under the same economic conditions and share the same dreams of a joyful celebration of the holiday season.

“Kaya naman naming pagkasyahin ang P500 na noche buena, pero ang mas sigurado kami ay DTI family lang ang happy sa diskarteng Pinoy sa larangan ng pagtitipid at pagtitiis,” Almendras concluded. 

PRESS RELEASE

9 December 2025

KAPATIRAN

Kapatiran ng mga Unyon at Samahang Manggagawa

Sunday, November 30, 2025

Pakikiisa sa Trillion Peso March Movement Nationwide Rallies

Walang ginhawa sa patuloy na pagnanakaw sa bayan. Ito ang araw-araw na reyalidad na kinakaharap ng kabataan mula Luzon, Visayas, at Mindanao.

Ang Samahan ng Kabataang Lumalaban (SKL), kasama ang iba pang youth and people’s organizations sa Trillion Peso March Movement, ay muling lalabas sa lansangan upang ipahayag na sobra na, tama na ang sistematikong korapsyon na sumisira sa buhay at hanapbuhay ng mga Pilipino. Mula sa bilyon-bilyong insertions, ghost projects, confidential funds, hanggang sa kawalan ng hustisya, isang larawan ang malinaw: matagal nang ninanakaw ang pondo ng bayan at paulit-ulit na isinasakripisyo ang kinabukasan ng kabataan.

Mga Panawagan

Panagutin ang lahat ng opisyal na sangkot sa korapsyon. Hindi sapat ang pa-imbestigasyon at press release; kailangan ng malinaw na kaso, malinaw na proseso, at malinaw na pananagutan. Hindi dapat maging ligtas ang sinuman kanila Marcos, Duterte, o anumang pulitikal na dinastiya na nagnanakaw sa kaban ng bayan ay dapat managot sa taumbayan!

Panagutin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dapat niyang harapin ang mga alegasyon laban sa kanya at panagutan ang kabiguan niyang tugisin at ikulong ang mga tiwaling opisyal.

Litisin si Vice President Sara Duterte sa kanyang confidential funds at kapalpakan bilang DepEd Secretary na hindi nakapagtawid ng pampublikong serbisyo para sa mga mag-aaral at guro.

Panagutin si Zaldy Co, kasama ng iba lang mga tiwaling opisyal at nasa ahensya ng gobyerno na sangkot sa katiwalian. Bilang arkitekto ng mga insertions, may obligasyon siyang bumalik, magtestigo, at papanagutin ang sarili.

Ipasa ang Anti-Political Dynasty Bill! Wakasan ang sistema ng pulitika na iilan lang na pamilya at nakikinabang at sumisira sa pamahalaan ng bayan.

Isabatas ang transparency at accountability measures. Isapubliko at gawing tunay na independent ang Independent Commission on Infrastructure upang kilatisin at panagutin ang mga sangkot sa sistema ng korapsyon sa bansa. Walang tiwala sa mga sikretong maniobra.

Sa lahat ng isyu na ito, hinihikayat namin ang bawat Pilipino, lalo ang kabataan, na manindigan at makiisa. Ngayong November 30, tayo'y magkapit-bisig mula sa iba't ibang sulok ng bansa para ipanawagan ang katarungan para sa mga sinalanta ng bagyo at katiwalian, at tayo na ninakawan ng kinabukasan.

Sa Metro Manila, magsasagawa ang kabataan ng martsa mula Temple Drive, Quezon City nang 7:30 AM, patungong EDSA People Power Monument, bilang bahagi ng Trillion Peso March. Ginagawa rin ito kasabay ng higit 100 aktibidad sa labas ng Metro Manila, na pinangungunahan ng mga komunidad na direktang tinatamaan ng bagyo, pagbaha, at korapsyon sa flood control.

Ang buwis ng mamamayan ay para sa mamamayan at hindi para sa bulsa ng iilan. Palitang ang bulok na sistema ng pulitika para sa interes ng Panahon na para palakasin ang serbisyo publiko at tunay na magbigay ng ginhawa sa buhay ng Pilipino. ###

Ang buwis ng mamamayan ay para sa mamamayan at hindi para sa bulsa ng iilan. Palitang ang bulok na sistema ng pulitika para sa interes ng Panahon na para palakasin ang serbisyo publiko at tunay na magbigay ng ginhawa sa buhay ng Pilipino.

PRESS STATEMENT

Samahan ng Kabataang Lumalaban

Saturday, November 29, 2025

KORAPSYON AT DINASTIYA AY IISA: BAGUHIN ANG SISTEMA!

Ang korapsyon ay hindi lang isyung moral (kasakiman), o seasonal (panapanahon), kundi systemic. May sistemang nagsilang nito na nagresulta sa pamamayagpag ng political dynasty at normalisasyon ng patronage politics.

Mula imprastruktura hanggang ayuda, fingerprint ng mga korap na dinastiya ang makikita. Mula nasyunal hanggang lokal, makapangyarihang mga dinastiya ang naghahati sa kapangyarihan. Patunay ito na hindi pa nakakamit ng mga Pilipino ang tunay na demokrasya at kalayaang pinagbuwisan ng buhay nina Gat Andres Bonifacio at mga bayaning Katipunero.

May luma at bagong paraan ng pandarambong. Mula kolonyalismo, diktadura, at hilaw na demokrasya - ang kapangyarihan at yaman ng mga ilustrado, diktador, at modernong dinastiya – ay pareho lamang nakaw mula sa manggagawa at mamamayan.

Kung nagagawa ng mga korap na dinastiya na magnakaw ng trilyones sa kabang bayan, ito ay dahil pakiramdam nila, tulad din sila ng mga Kastila na kayang maghari ng 300 taon sa Pilipinas dahil pinapasa lang ang poder at kayamanan sa mga angkan, kapanalig, at kasabwat. Sa kulungan hind sa gobyerno ang tama nilang lugar.

Ang resulta: Korapsyon ang naging regular, habang manggagawa ay kontraktwal. Dagdag sahod ang pinigilan, habang pondo ng bayan ay bumaha sa bulsa ng mga korap.

Sapat na raw ang P500 para mairaos ng manggagawa ang noche Buena. Habang sa pamilya ng mga korap ay mansion, luxury cars, air assets, mamahaling alahas, ari-arian sa abroad, at male-maletang pera na pambili ng karangyaan at boto para mahalal at muling mahalal.

Ang sistemang ito ay dapat repormahin! Manggagawa ang gawing regular, hindi ang korapsyon! Legislated wage hike sa manggagawa, hindi legislated kickback sa mga korap!

Repormahin ang sistemang pampulitika. Dinastiya ang dapat ma-endo, hindi ang manggagawa! Isabatas ang totohanang anti-dynasty bill!

Totoong kalayaan at demokrasya, hindi dynasty forever! ###

BACK TO EDSA ON NOVEMBER 30! END CORRUPTION AND DYNASTY!

It is not only corruption that must end, but also the system that gave birth to it—the political dynasties and patronage politics.

The rejection of corruption and dynasties is the central issue of workers marching to the People Power Monument on the 162nd birth anniversary of Gat Andres Bonifacio on November 30, alongside demands for wage increases and an end to contractualization (endo).

Partido Manggagawa is also joining various protests across the country led by the Trillion People March Movement.

Corrupt politicians were able to steal trillions from the national coffers because they felt untouchable—free to deceive the people and amass wealth from government projects. This is because they know that power is monopolized by the same dynasties from national down to local levels.

The result: Corruption has become regular, while workers remain contractual. Wage hikes are controlled, while public funds from our taxes flood the pockets of the corrupt.

For workers: a ₱500 noche buena. For the corrupt: luxury cars, air assets, properties abroad, and suitcases of cash.

Because of corruption, public services like PhilHealth and youth education have declined, housing programs have failed, and farmers have been left impoverished.

Because of dynasties and corrupt politicians, projects are divided among relatives and friends, in collusion with syndicates embedded across government. Jail is the proper place for them.

This system must be reformed!

Workers should be made regular—not corruption!

Legislated wage hikes for workers—not legislated kickbacks for the corrupt!

Dynasties should be the ones to be “endo”—not the workers!

Freedom and democracy—not the eternal rule of political dynasties!

Details of the Bonifacio Day marches of workers:

                            6-7:00 AM Nagkaisa Labor Coalition assembly at Petron EDSA–Connecticut.

                            From there, the march proceeds to the People Power Monument for the Labor Program, the first part of the Trillion Peso March Movement’s full-day activities.

                            PM will also join rallies in Pangasinan, Iloilo, Bacolod, Cebu, Iligan, Agusan, Davao, General Santos, and Zamboanga.

———